Maddie's POV Kinabukasan nang sumapit ang ala sais ay agad na akong nag-ayos para sa pagpunta sa ktv bar na sinasabi ni Louise. 7pm kasi ang usapan naming lahat. Nagpaalam ako kay Mama tungkol doon at gusto niya kay Gian ako sumabay papunta dahil tutal parehas lang naman daw kami ng pupuntahan. Wala na lang akong nagawa kung hindi pumayag kaya sumabay na lang ako kay Gian. Baka magalit pa si Mama at hindi na ako pasamahin pa sa susunod. Tss. Bwisit na Gian. Buti hindi niya sinama si Elaine. Nang makarating kami sa ktv bar ay hindi muna kami agad pumasok sa loob ni Gian dahil wala pa sila Louise. Eh si Louise pa naman may access sa vip room. Wag lang sanang late ang gaga na iyon dahil masasampal ko talaga siya. Ilang saglit pa, dumating na din sila Andy at Drex na sinundan naman nila Lo

