Gian's POV Nang makauwi ako ay agad na sana akong didiretso sa kwarto ko nang biglang makasalubong ko si Dad. "Where's your sister?" tanong niya. "Naiwan pa po doon." simple kong sagot. "Then why did you leave her? Alam mong wala iyong dala na sasakyan at sumabay lang sa iyo." sabi ni Dad. Napabuntong hininga naman ako. "Nandoon naman po ang mga kaibigan niya Dad. Pwede siyang makitulog na lang sa isa sa kanila or magpahatid dito." sagot ko. "Sa iyo ko siya binilin Gian. Pero iiwan mo lang siya sa mga kaibigan niya? Eh paano kung nakainom din ang mga iyon ha? Hindi mo iniisip ang kapakanan ng kapatid mo." sagot niya. Napabuntong hininga naman ako. "Okay fine. I'll check on her first." sabi ko at agad na kinuha ang phone ko. Medyo nahihilo na nga ako eh buti na lang nakokontrol ko pa

