Maddie's POV Napasigaw na lang ako dito sa rooftop habang humahagulgol. Wala akong pake kung malamig dito at nakayapak lang ako. Ang mahalaga ay mailabas ko lahat ng hinanakit ko sa sarili ko. Lahat ng rants ko. "KASALANAN MO ITO! KASALANAN MO LAHAT! WALA KANG KWENTA MADDIE! NAPAKA SELFISH MO! I HATE YOU! I f*****g HATE YOU! SANA IKAW NA LANG ANG NASAGASAAN! SANA IKAW NA LANG ANG NACOMA AT HINDI SIYA! THIS IS ALL YOUR FAULT!" sigaw ko sa hangin at saka humagulgol. Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa panghihina ng tuhod ko. I can't stop blaming myself. Kasalanan ko naman kasi talaga. Napakuyom na lang ako ng palad at inis na sinaktan ang sarili ko. "GO DIE! DIE! THIS IS ALL YOUR FAULT! YOU ARE SO SELFISH! STUPID! JUST DIE!" sigaw ko habang sinasaktan ang sarili ko. "Maddie! Stop it!"

