Cyleen's POV Nang malaman ko kila Andy ang nangyari kay Maddie ay nagpunta agad ako sa ospital para bisitahin siya. Pero since nalaman kong okay na ang lagay niya ay naging panatag na ako. "Uhm, sige guys. Una na din ako. Imemeet ko pa si Ahl. Susunduin niya ako eh." sabi ko sa kanila at tumayo na. Napatingin naman sila sa akin. "Osige, gurl. Ingat ka." sabi ni Louise. Binigyan ko na lang sila lahat ng isang ngiti tapos ay tinahak ko na ang daan palabas. Nang makalabas na akong ospital ay agad kong kinuha ang phone ko para magbook ng grab. "Cyleen." tawag ng isang boses mula sa likod ko kaya napatigil ako at dahan-dahang nilingon ang taong tumawag sa pangalan ko. My heart skip a beat nang makita ko na naman siya sa harapan ko. Isang pamilyar na pakiramdam na tanging kay Gian ko lang na

