Elaine's POV Napangiti na lang ako sa bitbit kong basket na may lamang iba't-ibang klaseng prutas. Ang sabi kasi ni Gian eh mahilig si Maddie sa prutas kaya naisipan kong magdala. Nagtext na ako kay Gian na susunod ako sa ospital para bisitahin din si Maddie pero hindi pa siya sumasagot sa reply ko buhat kanina. Nagkibit balikat na lang ako baka kasi mamaya eh nakatulog siya dahil panigurado magdamag siyang gising kagabi dahil sa sobrang pag-aalala sa kapatid niya. Nang makababa ako ng taxi ay agad ko ng tinahak ang daan papasok ng gate. Hindi ko na pinapasok ang taxi dahil baka may dagdag charge. Hahaha! Habang masaya akong naglalakad ay napahinto ako nang makita si Cyleen kasama si Gian. Agad akong nagtago sa isang sasakyan sa gilid ko at pinakinggan ang pag-uusap nila. "Gian, ang

