Maddie's POV Lubos ang tuwa ko nang sabihan ako ni Eirol na pumunta sa kanila. Kaya nga nagmadali akong mag-ayos at pumunta sa kanila. Ang sabi niya kasi may ipapakita siya sa akin. Pero hindi niya nasabi sa akin kung ano. Kaya somehow, ay nasasabik akong malaman kung ano iyon. Me: Malapit na ako. Eirol: Okay. Copy. ? Napangiti na lang ako nang mabasa ang reply niya at agad nang nagfocus sa pagmamaneho. Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay agad kong ginarahe sa gilid ang kotse ko at bumaba na. Nakita kong bukas na ang gate kaya pumasok na ako at pinindot ang doorbell. Ilang saglit pa ay agad na akong pinagbuksan ni Eirol ng pinto kaya napangiti agad ako. Lalo na nang makita siya. "Eirol, bakit mo ba ako pinapunta dito? Ano yung ipapakita mo sa akin?" nakangiti kong tanong s

