Eirol's POV Napangiti na lang ako nang iahon mula sa oven ang ginawa kong banana cake na paborito daw ni Maddie ayon kay Louise. Naisipan ko kasing gawan si Maddie bilang pasasalamat sa binigay niyang brownies at cookies sa akin. Para maicheer up na din siya dahil sa pinagdadaanan niya ngayon. Hindi ko kasi alam kung paano siya icocomfort gayong hindi pa naman ako nadaan sa ganoong sitwasyon. Kaya ito, ginawan ko na lang siya ng favorite niyang cake. Nang matapos ko nang lagyan ng coating ang banana cake ay masaya kong kinuha ang phone ko nang tumunog ito. Nakita ko ang message ni Maddie kaya agad kong binuksan. Maddie: Malapit na ako. Me: Okay. Copy.? Nang matapos ko siya replyan ay hinubad ko na ang apron ko at nagsimula ng maglinis ng kitchen dahil naging mess ito dahil sa pagbebak

