Cyleen's POV Nandito na ako ngayon sa ospital. Dumalaw ako agad nang malaman kila Maddie na nagkamalay na si Andy. Kakamustahin ko na lang muna siya bago ako dumiretso sa shoot. Nang makalabas akong elevator ay agad akong naglakad patungo sa room ni Andy. Kumatok muna ako bago ako pumasok. Tapos nang pumasok ako ay nakita ko doon si Maddie at Louise. Binati nila ako. Kaya napangiti na lang ako. "Taray ah? Lakas maka ootd." sabi ni Louise nang mapansin ang suot ko. Natawa naman ako. "Yeah. Didiretso kasi ako sa shoot after ko dito kaya pormado ako ngayon." sagot ko. Napatango na lang sila. Napakunot noo ako nang mapansing nakashades si Louise kahit na nasa loob naman kami ng room ni Andy. "What's with the sunglasses?" I asked. "Why? Do I look gorgeous?" nakangising tanong ni Louise.

