Gian's POV "Gian, hijo. Mukhang wala ka namang gagawin today. Why don't you come and greet your Tita Jil. Kauuwi niya lang from Davao. She's looking forward on meeting you." sabi ni Dad kaya napatingin ako sa kaniya. Nandito ako ngayon sa dining area at kasalukuyang kumakain ng breakfast kasabay sila Dad. Natuwa ako nang marinig ang balita niya. Aunt Jil was my Mom's twin sister. Malapit ang loob ko sa kaniya kasi siya ang nagtatanggol sa akin kay Dad noon. Kaya nga nalungkot talaga ako nung malamang babalik na siyang Davao. "Really? Where is she?" tanong ko. "I don't know. She just gave me her number when we accidentally met the other week. Here. Just contact her." sabi ni Dad at abot sa akin ng isang calling card. Agad ko naman itong kinuha at nabasa ang Jilniana's Agency. Napangi

