Maddie's POV
Nandito kami ngayon ulit si café. As usual si Louise na naman ang nag-aya. Well, araw-araw naman kasi akong nandito ngayong bakasyon para tumulong sa café kasi pagsapit ng pasukan eh hindi na ako masyadong makakatulong dito. Tuwing weekends na lang siguro kasi walang pasok iyon.
“Guys! I want to show you this. Hihi.” masayang sabi ni Louise sabay lahad ng kamay niya at pinakita ang singsing na nakasuot sa daliri niya. Kunot noo ko naman siyang tinignan.
“O, bakit? Bagong bili mo?” tanong ko sabay sip sa coffee ko.
“Duh? No. Ethan gave this to me noong monthsary namin. So sweet di ba? Hihi.” sabi niya sabay tinitigan ang singsing. Napairap naman ako.
“Eh, ano ngayon? As if naman magulat pa kami ni Andy diyan.” sagot ko. Normal naman na kasi para sa amin ni Andy lahat ng bagay na pinapakita sa amin ni Louise na binibigay ni Ethan sa kaniya. Dahil syempre magsyota nga sila. Hindi na kami magugulat kung bibigyan man siyang necklace bukas kasi lagi namang fineflex ni Louise yung mga binibigay ni Ethan sa kaniya. Saka mayaman din naman si Ethan gaya niya kaya lahat nabibigay sa kaniya.
“Hindi guys! Iba ito okay? Iba ito sa lahat ng binigay ng boyfriend ko.”
“Anong iba diyan Louise? Umiilaw ba yan?” tanong ni Andy sabay subo ng cupcake na kinakain niya. Napairap naman si Louise sa sinabi ni Andy.
“No. My gosh guys.” sagot ni Louise.
“Eh sa ano nga kasi?” sagot ko.
“Okay. Pero wag kayong magugulat ha?” nakangiti niyang sabi. Napairap naman ulit ako. Tsk. Ayaw pa kasing sabihin nang matapos na. Puro paligoy-ligoy. Huminga muna siya ng malalim saka nagsalita.
“I’m engaged!” irit niya. Napatigil naman kaming dalawa ni Andy nang marinig ang sinabi ng loka. Nahibang na nga yata talaga itong babaeng ito.
“What?” nakangiti niyang tanong sa amin. Kinunutan ko naman siya ng noo.
“Baliw ka ba or sadyang may sapak lang sa utak?” sabi ko.
“Why?” inosente niyang tanong na parang wala siyang alam sa sinasabi niya.
“Oo nga Louise. Seryoso ka ba talaga diyan?” tanong ni Andy na wala pa ring tigil kakakain. Nag-sstress eating na naman yata itong babae na ito. Paano kasi pang limang cupcake na ang kinakain niya ngayon.
“Mukha ba akong nagbibiro? Saka bakit ganiyan reaksyon niyo? Hindi ba kayo masaya para sa akin?”
“Bobo ka talaga. Sigurado ka bang engagement ring yan ha? Kabata-bata pa natin engagement agad nasa utak mo. Ni hindi pa nga tayo nagccollege.” sagot ko. Harsh na kung harsh. Matauhan lang itong gaga na ito sa kahibangan niya.
“I’m a hundred percent sure that this is an engagement ring. Like duh? Lumuhod siya sa harapan ko no. How romantic di ba? Hihi.” masayang sagot niya.
“Sabihin na nga nating engagement ring iyan Louise. Eh ano yan? Magpapakasal na agad kayo after graduation?”
"Hindi no syempre. Focus muna sa career. Later na wedding. Hihi." napairap na lang ako sa kalandian ng kaibigan ko. At saka uminom ulit ng coffee para mahimasmasan.
"Oo nga pala friend anong balita doon sa dinner with Drexler's Mom?" tanong ni Louise. Bigla namang nasamid si Andy kaya agad ko siyang inabutan ng tubig. Nang mahimasmasan siya ay agad siyang tumingin sa amin.
"Kasi ano eh hehe."
"Ano?" tanong ko. Isa pa itong paligoy-ligoy eh.
"Epic fail yata? Hehe." sagot niya.
"What do you mean epic fail?" tanong ni Louise. Kaya nagsimula na ngang magkwento si Andy kung ano ang nangyari nung gabing nagpunta siya kila Drex. Napahagalpak ako sa tawa dahil sa kagagahan niya.
"What the heck gurl? That's embarrasing. Mukha bang katulong ang Mama ni Drex?" sabi ni Louise sabay tumawa din.
"Hindi naman. Eh kasi ang average looking niya. Hindi ko ineexpect na ganon." simpleng sagot ni Andy.
"Tigilan mo na nga kakanood mong mga kdrama gurl. Hahaha! Yan tuloy." sabi ni Louise. Napapout naman si Andy.
"Sana meroong season 2. Para makabawi ako. Huhu." sabi ni Andy sabay kumain ulit. Napailing-iling na lang ako.
_
Kaaalis lang nila Louise ngayon at kasalukuyan akong naglilinis ng table nang biglang may pumasok na bagong customer. Babatiin ko sana ng welcome kaso nung makita kong si Elaine iyon na mukhang kasama ang mga kaibigan niya ay hindi ko na lang pinansin. Bumalik na lang ako sa pagpupunas ng lamesa.
At dahil walang available na waiter dahil busy lahat ay ako na ang lumapit sa table nila at inabot ang menu. Nakita ko namang napangiti si Elaine nang magtama ang mga mata namin.
"Hello, sister!" masayang bati niya sa akin. Hindi ako sumagot. Tss. Sister?
"Friend mo siya bes?" tanong nung isang kaibigan niya.
"That's Gian's sister, Maddie." sagot niya.
"Oh? So sister-in-law mo pala siya bes?" sabi naman ng isa. Napairap naman ako. Wow ha? Sister-in-law your face.
"Order?" tanong ko kasi naiirita na ako dahil puro daldalan lang sila at hindi tinitignan ang menu.
"Water please." sabi ng babaeng nasa gilid ni Elaine.
"Same din. Water." sagot naman ng isa pang kasama nila. Napairap naman ako. So ano? Pumunta sila dito sa café ko para lang makiinom ng tubig? Edi sana sa imburnal na lang sila uminom. Tss.
"Uhm, blueberry cheesecake sa akin and milkshake." sagot naman ni Elaine. Mukhang nakita niyang nainis ako sa order ng mga kaibigan niya eh. Tinanguan ko lang siya saka pumunta na sa counter para asikasuhin ang order nila.
Nang matapos ko asikasuhin ang order nila ay agad na akong lumapit sa kanila. Kaso palapit pa lang ako ay narinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Ano ba namang klaseng service dito bes? Ang sungit ng approach sa atin na parang di tayo welcome. Sister-in-law mo pa man din." rinig kong sabi nung katabi ni Elaine.
"Oo nga. Dapat diyan bigyan ng bad reviews sa page nila." sagot naman ng isa sabay kuha sa phone niya. Inis naman akong lumapit sa kanila. Nabigla pa sila nang makita ako. Too bad. Takot pala silang marinig ng taong pinag-uusapan nila ang mga topic nila. Coward.
Padabog kong nilapag sa harap nila yung tray na may mga order nila. Saka ako tumingin sa kanila isa-isa.
"Ikaw bago ka magrate sa page ng café siguraduhin mo munang sa susunod hindi na tubig order mo." sabi ko sa babaeng may hawak ng phone.
"At ikaw isa ka pa." sabi ko sa isa pang babae na nag-order din ng tubig. Ginigigil ako eh.
"Next time, if makikiinom lang kayo sa café ko mabuti pang sa free flow na lang kayo pumunta. At wala akong pake kung sabihan niyo akong masungit. Dahil masungit talaga ako. Lalo na sa mga taong annoying gaya niyo." sabi ko sabay inirapan sila at lumayas doon. Wala ako pake kung customer sila. Edi lumayas sila. Tubig lang naman inorder ang lakas makacomment. Tss. Buhos ko sa kanila iyon eh. Syempre pakuluan ko muna bago ibuhos sa kanila para may lapnos effect. Tss.
At dahil sa inis ko, nagpaalam na ako sa mga staff ko na uuwi na. Mas maaga kaysa sa expected nilang oras ng uwi ko. Nagdahilan na lang akong napapagod na ako para di na sila magtanong. Luckily, pumayag naman sila. Kaya nga umalis na ako agad ng café at dumiretso pauwi. Baka kasi mamaya kapag nagtagal pa ako doon eh hindi ko mapigilan ang sarili ko at sugurin ang mga impaktita na iyon. Hangga't maaari kasi ayokong gumawa ng eksena sa mismong café na pinaghirapan ng nanay ko. Wag lang talaga silang magkamali'ng banggain ako sa school dahil hindi talaga ako magpapapigil doon.
Nang makauwi ako, naabutan ko sila Mama na nagpprepare na ng hapagkainan para sa dinner katulong ang mga maids namin.
"Iyah, nandiyan ka na pala." bati sa akin ni Mama. Binati ko din naman siya.
"You're just in time for dinner. Tutal, aakyat ka naman na din. Pakitawag na din ang kuya Gian mo." sabi ni Mama. Psh. Kuya. Yan ang gusto ni Mama na itawag ko kay Gian. Like? What the heck? Ilang buwan lang naman tanda non sa akin.
"Okay po." sagot ko na lang at unakyat sa taas. Nagpalit muna akong damit saka lumabas ulit at nagtungo sa tapat ng kwarto ni Gian. Kumatok ako ng ilang beses pero hindi niya ako pinagbuksan or sinagot man lang.
"Gian!" sigaw ko. Pero wala pa din. Kumatok ulit ako. Pero hindi talaga ako pinagbubuksan ng gago. Kaya nga pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang martilyo sa ilalim ng kama ko. Paano ako nagkaroon ng martilyo sa ilalim ng kama? Well, galing siya sa toolbox na nakita ko sa bodega. Lagi kasi akong pinapahirapan ng Gian na iyan kaya itinabi ko na ito sa kwarto ko for some useful purposes gaya na lang nitong gagawin ko. Hahaha!
Agad kong pinagpupukpok ng malakas ang doorknob ng pinto niya dahilan ng pagkasira nito. Napangisi ako nang mahulog ang doorknob niya. At iyon sinipa ko yung pinto kaya bumukas ito. Pagkabukas ko ay gulat na mukha ni Gian ang tumambad sa akin. Inis niyang inalis ang headset niya at bumaling sa akin.
"Alam mo? Nakaka tangina ka ng babae ka. Sinira mo na naman pinto ko!" sigaw niya at tumayo.
"Tangina mo din. Katok ako ng katok halos di mo binubuksan pinto. Hindi ka na natuto kaya dapat lang sa iyo yan." sigaw ko din.
"Busog pa ako! Layas!" sigaw niya at sinaraduhan akong pinto. Napairap na lang ako. Alam niya kasi na sa tuwing aakyat ako at tatawagin siya ay dahil sa kakain na. Bukod kasi doon wala ng dahilan para mag-usap pa kami. Ilang saglit pa ay umakyat si Mama kasama si Tito Derek. Nagulat sila nang makita ang martilyong hawak ko at ang sirang pinto ni Gian.
"Alliyah Maddieson Dimaculangan." pabantang tono na sabi ni Mama sa akin.
"He triggered me to do it." kibit balikat ko. Napapikit naman ng mariin si Mama.
"Again. Like I told you for the tenth time Maddie. Don't broke your brother's door." sagot ni Mama. Hindi ako sumagot. As if magsisi ako sa ginawa ko. Deserve ng gago yan.
"It's okay Liyanel. May katigasan kasi talaga ng ulo iyang si Gian minsan. I can't blame Maddie for that. Just don't worry, papalitan na lang natin ulit ang doorknob bukas." sagot naman ni Tito Derek. Yah, he's always in my side. Si Mama naman laging kay Gian. Tss.
"But she will do it again, Derek if we don't lecture her." sabi ni Mama. Napatingin naman sa akin si Tito Derek at naglahad ng kamay. Kaya nga inabot ko na lang ang martilyo sa kaniya in defeat.
"Last na ito." nakangiting sabi ni Tito Derek. Bumaling naman sa akin si Mama.
"Iyah, don't do that again okay? Wag ka ng makikipagtalo sa kuya mo. Magkapatid na kayo kaya dapat magkasundo kayo." sabi ni Mama. Psh. Iyang si Gian? Makakasundo ko? Imposible.
"Iyah..." pabantang tono ulit na sabi ni Mama kaya napabuntong hininga ako.
"Okay fine." sabi ko.
"Good. Now, let's go and eat dinner." nakangiting sabi ni Mama at bumaba na kasama si Tito Derek. Napatingin naman ako sa pinto ni Gian na may butas ngayon dahil natanggal ang doorknob.
Tss. Kuya his face. I will never call him 'kuya'. That jerk doesn't deserve to be called by that.