3: Promise Ring

1784 Words
Ethan's POV Ngayon ang 10th monthsary namin ni Louise. Kaya nagdecide akong dalhin siya ulit sa pinaka paborito niyang lugar. Ang amusement park. Although, hindi talaga ako fan ng mga rides. May fear of heights kasi ako tapos ayoko din ng mabilis. But oh well, gusto siya ni Louise so pag-aaralan ko na ding gustuhin. "Hala! Gusto ko sumakay doon." sabi niya sabay turo sa extreme tower. Napatingin naman ako doon. Halos manlaki ang mata ko nang makita kung gaano kataas iyon. Tapos yung mga taong nakasakay doon ay hindi magkanda mayaw kakasigaw. Napalunok ako bigla. "Hehe. Sure ka ba diyan mo gusto?" tanong ko baka kasi mabago ko pa isip niya. "Yes! Ang tagal na nung huling sakay ko diyan. That's one of my favorites rides. Kaya please? Sakay tayo." sabi niya na hinila-hila pa ang laylayan ng damit ko. Shet, Ethan. Kaya ba? Rollercoaster pa lang suko ka na. Diyan pa kaya. Pero sige. Dahil gusto ng girlfriend mo, go. "S-Sige." sagot ko. Napapalakpak siya sa tuwa at agad akong hinila papunta doon. Nang makaupo na kami sa seats at naisecure na ng staff ang safety locks ay napakapit ako ng mahigpit at napalunok ng sunod-sunod. Hindi pa umaandar pero tagaktak na ang pawis ko. Nang tumunog na ang bell hudyat na aandar na ay napapikit ako ng mariin. Lalo na nung dahan-dahan na itong gumalaw paakyat. Naririnig ko na lang ang excited na sigaw ni Louise. Mukhang tuwang-tuwa talaga siya. Nang idilat ko ang mata ko ay nakita kong medyo malapit na kami sa tuktok. Shet. Dapat pala di na lang ako dumilat. Puta. Nang makareach kami sa tuktok ay huminto ito saglit tapos biglang bumagsak. "AHHHHH! PUTANGINAAA!" sigaw ko nang biglang bumagsak. Pati yata puso ko nahulog puta. Nang makababa kami feeling ko bumaligtad sikmura ko. Yung mga kinain ko yata eh nagulat din. "Ethan! Doon naman." sabi niya naman sabay turo sa space shuttle. Seryoso ba? Parang wala man lang nangyari sa kaniya? "Hehe. Pahinga muna. Mamaya naman." palusot ko. Kasi feeling ko kapag sumakay pa ako doon eh lalabas na talaga lahat ng kinain ko pagbaba namin. Baka nga pati mga laman loob ko sumama ng lumabas. "Ay, osige. Pahinga muna tayo. Wait. Bibili akong cotton candy." sabi niya sabay lumapit sa isang stall na nagtitinda ng cotton candy. Naupo na lang muna ako sa isang bench at pinanood siyang bumili. Nang makabili na siya ay agad siyang tumabi sa akin while eating her cotton candy. Inalok niya pa ako pero iling lang ang sinagot ko. Nang sumapit ang dilim ay nag-aya naman siya sa horror house. Well, di naman ako gaanong takot sa horror house kaya pumayag na ako. No sweat. Mwahaha! _ "AHHHHH!" sigaw ko nang biglang may lumitaw na white lady. Napakapit akong mahigpit kay Louise. "Oh come on. Ako dapat gumagawa niyan eh." sabi ni Louise kaya napaayos akong tindig. "Practice lang. Hehe." sabi ko sabay taas noo'ng naglakad. Hinatak ko ang kamay niya papasok sa isang room ulit. Humawak naman siya sa akin pabalik. "Wag kang bibitaw ha? Wag kang mag-alala nandito lang ako." sabi ko at patuloy siyang hinahatak. Kaso nagtaka ako bakit parang nag-iba ang texture ng kamay ni Louise. Nang makapasok kami sa may room na may ilaw na ay napalingon agad ako kay Louise. "Lou--AHHHHHH!" nang makita kong hindi si Louise ang kasunod ko kundi ang white lady ay kumaripas agad ako ng takbo. Bahala na kung saan ako mapadpad makalayas lang ako dito. Tangina! Nang makalabas ako ay agad akong naghabol ng hininga. Napagtanto kong nasa loob pa pala si Louise. Kaya napasapo ako noo ko. Ano ba iyan Ethan? Napaka irresponsable mong boyfriend. Iniwan mo ang girlfriend mo sa loob ng horror house. Ngayon baka umiiyak na iyon doon ngayon dahil sa takot. Hays. Napalunok ako ng ilang beses bago naglakas loob na pumasok sa loob. Kailangan makita ko ang girlfriend ko. Nang pagkapasok ko sa loob sa may bungad pa lang ay nakita ko si Louise na masayang nagpapapicture sa white lady na--Teka? Nagpapapicture? "Uy, Ethan. Nandiyan ka pala. Kanina pa kita hinahanap." sabi niya. Napatingin naman ako sa white lady na humagikgik muna bago umalis. Mukhang pinagtatawanan ako. Psh. "Ah, eh. Nagcr lang ako hehe." palusot ko. Napatango na lang siya kaya umalis na kami doon. Nang makaalis kami sa horror house ay nag-aya siya doon sa isang game booth. Kung saan kailangan mong ishoot ang tatlong bola sa drum. "Uy, I want that stufftoy! So cute." sabi niya sabay turo sa malaking stufftoy. "Okay, I'll get it for you." sabi ko sabay kindat. Nagbayad ako sa staff ng pera panlaro kaya inabot niya na sa akin ang tatlong ball. "Go boyfie!" pagchicheer sa akin ni Louise. Ginanahan naman ako dahil doon kaya nagwarm up muna ako sabay focus sa drum. Okay Ethan! Impress'in mo ang girlfriend mo. Ishoshoot mo lang ng simple ang tatlong bola sa drum na iyon. Easy peasy. Nang ibato ko ang unang bola ay nashoot ito kaya natuwa ako. Nang ibato ko din yung pangalawa ay nashoot din ito. Napapalakpak si Louise sa tuwa. "Isa na lang! Yey!" excited na sabi ni Louise. Okay. Isa na lang then that bear is mine. Nang ibato ko ang last ball ay nanlaki ang mata ko dahil hindi ito nashoot. "Ay, sayang." rinig kong sabi ni Louise. "Isa pa." sabi ko sa staff sabay bayad ulit ng pera para maglaro. Inabutan niya naman ulit ako ng panibagong tatlong bola. Kaya nga nagfocus ulit ako. _ "Isa pa!" sabi ko sabay bayad ulit sa ikasampung beses. "Uhm, Ethan? Wag na lang kaya?" sabi ni Louise. "No. I will get that bear whatever it takes." sabi ko sabay nagfocus ulit. Pero hindi pa din nashoot talaga. Argh! May daya! "Uhm, cr lang ako." paalam ni Louise sabay umalis. Napatingin naman ako sa staff at lumapit dito nang masigurado'ng wala na si Louise. "Psst. How much for that bear? I'll buy it." sabi ko. Napakamot naman sa batok yung lalaki. "Sorry sir. Not for sale." sabi niya. Dumukot naman ako sa wallet ko ng pera at binilang sa kamay ko ang tig-iisang libo. "Fifteen thousand for that." sabi ko sabay abot ng pera sa kaniya. Halata namang nanlaki ang mata niya sa inoffer kong pera. "Ay sige sir. Inyo na po." nakangiting sabi nito sabay abot sa akin ng bear at kuha ng pera. Napangisi na lang ako nang makuha ang bear. Tiyak na matutuwa si Louise. "Uy! Finally nakuha mo na. So amazing!" masayang sabi ni Louise nang makita niyang hawak ko na ang bear. Agad ko itong inabot sa kaniya na masaya niya namang kinuha at niyakap. "Thank you! Sabi na ba eh mananalo ka din doon. Try and try until you succeed." sabi niya sa akin sabay kindat. Napangiti na lang ako. Nandito kami ngayon sa may carousel. Nanonood kami sa mga nakasakay doon ngayon. Which is mga bata kasama ang mga magulang nila. Nakita ko sa mata ni Louise ang tuwa. "Alam mo ba kung bakit paborito ko ang mga amusement parks?" tanong niya na hindi pa din naiaalis ang tingin doon. "Why?" tanong ko. "Cause this is where I first experienced having a complete family. Birthday ko non nung umuwi sila Mom at Kuya. Dinala nila ako dito sa amusement park together with Dad. I was so happy that time. Hiniling ko na sana hindi na lang matapos ang araw na iyon. Kasi doon ko unang naranasan mabuo pamilya ko. Kasi lagi silang busy. Si Mom sa states sila nag-iistay with Kuya. Kaya kami lang ni Dad dito." sabi niya. Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata niya. Well, parehas naman ang family namin na busy talaga lalo na sa business pero yung Mom ko kasi housewife lang kaya kahit papaano eh nakaranas naman ako ng alaga. Saka naglalaan talaga si Dad ng time para sa family kaya hindi ko naranasan ang sinasabi ni Louise. "That's also the last day na nakumpleto kami. Na nakapagbonding kami. Kasi everytime na uuwi si Mom dito business pa din inaasikaso niya. Kaya hindi ako masyadong ganon kaclose sa Kuya ko. Kasi halos hindi naman kami nagkakasama." sabi niya ulit. Hindi ako makapagsalita sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko kasi hindi ko pa naman naranasan ang ganoong sitwasyon. Hindi ko alam kung paano ko siya icocomfort. Nakita ko na lang na may luha ng tumakas sa mga mata niya kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya para iparamdam na nandito ako para sa kaniya. Napatingin siya sa akin dahil doon. "I love you, Cassandra Louise." sabi ko. Napangiti siya dahil doon sabay punas sa luha'ng tumakas sa mata niya. "I'm sorry for being emotional." sabi niya. Umiling naman ako sabay binigyan siya ng isang ngiti. "No, It's okay to be emotional. Sabi sa akin ni Mom, don't be afraid to show your true feelings. Wag mo muna'ng isipin ang magiging outcome. Basta tell the truth. Hindi masama'ng magpakita ng kahinaan minsan. Kasi sa kahinaan na iyon makakapulot ka ng lakas." sabi ko. Napatitig naman siya sa sinabi ko. Kaya binigyan ko na lang ulit siya ng ngiti at hinalikan sa noo. "Kaya don't be afraid to show your true feelings. Okay?" sabi ko. Natawa naman siya kaya napakunot ang noo ko. "Then, bakit di mo inamin sa akin una pa lang na gusto mo din pala ako? Na ayaw mo akong pasamahin sa date noon? Edi sana hindi pa tayo nagkaroon ng misunderstanding." sabi niya. "Well, pinakita ko talaga sa iyo ang true feelings ko. Lahat ng pinaramdam ko sa iyo totoo. Hindi ko lang sinabi. I just showed it." kibit balikat ko. Napailing-iling na lang siya. Nang bigla kong maalala yung regalo ko pala sa kaniya. "By the way, I have something to give you." sabi ko kaya napakunot ang noo niya. "What is it?" tanong niya. Agad ko namang kinuha ang maliit na box sa bulsa ko sabay lumuhod sa kaniya. Kneeling means, respect, honor and surrender. I am kneeling in front of her because I'm surrendering myself to her. Siya ang kahinaan ko. At the same time ang lakas ko. She's my all. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko lalo na nung ipakita ko ang singsing. "Louise, do you promise to be with me until the end?" tanong ko. This is a promise ring. A sign of my love to her. Sa future engagement ring na ito. Then wedding ring. Hehe. Tuwang-tuwa naman siyang tumango at napayakap sa akin kaya napangiti ako. "Omg! Yes! Yes!" sabi niya. Pero nagtaka ako bakit ganon siya makareact na akala mo nagpropose ako? Parang naghysterical siya? Pero pinili ko na lang ito'ng balewalain. Maybe ganon lang talaga siya kasaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD