Maddie's POV "Maddie...anak." tawag niya at akto sanang lalapit sa akin para hawakan ako pero humakbang ako palayo kaya napatigil siya. "Anong ginagawa mo dito?" seryoso kong tanong at tumingin kila Mama at Tito Derek na nakamasid sa amin ngayon. "Ma? Bakit pinapasok niyo siya dito? Anong ibig sabihin nito?" tanong ko kay Mama. "Anak, Maddie. He's here to make it up to you. Pumunta siya dito para kausapin tayong dalawa at humingi ng tawad." sagot ni Mama. "Tawad? Tawad para sa ginawa niya Ma? Sa ginawa niyang p*******t sa atin? Sa pag-iwan sa atin? Tingin niyo ba sapat ang tawad lang sa ginawa niya?" tanong ko. Hindi sila nakasagot. Napayuko lang ang lalaki dahil doon. Ang lalaki na minsan kong tinawag na Papa. At ang lalaking unang nanakit sa akin. Ang lalaking may dahilan kung bakit

