Kiss and Make Up

2116 Words

Lanie woke up feeling better. Ramdam niya ang mga bisig ni Mateo na nakayap sa kaniya. Itinaas niya ang mga mata upang tingnan ito habang natutulog. His manly features na noon pa man ay hinahangaan na niya. Ang mga labi nito na maraming beses nang dumampi sa kaniyang sariling mga labi at higit pa. Si Mateo na noon ay pinapangarap lang niya sa malayo. Ngayon, heto, nakayakap sa kaniya. Nang dumating ito na may madilim na ekspresyon ay alam na niya ang dahilan niyon. Kung sina Lei at Mira ay may hiwatig na sa maling balita tungkol sa kanila ni Eric, lalo na si Mateo na tila alam ang lahat ng nagaganap sa kaniya. Ano nga ba ang dapat niyang ipaliwanag dito? Walang pormal na usapan ang kanilang relasyon. Dapat na ba nila itong pag-usapan? Natatakot ba siya na kung sakali ay iba pala ang nais

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD