bc

A Chance to Love

book_age18+
409
FOLLOW
1.4K
READ
sex
second chance
pregnant
playboy
goodgirl
sweet
lighthearted
childhood crush
first love
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

*This book contains explicit contents not recommended for minors. Mature audiencies only. SPG R18+*

I'm sure it's him!

Her heart started pounding at the realization.

"Of all people, si Mateo Vera..." Huli niya itong nakita ay pagkatapos silang ipatawag ng college department head for alleged cheating on their final exams noong third year. Nang sumunod na pasukan ay hindi na niya ito muling nakita.

I'm sure it's her!

Hindi maialis ang pagkabigla at pagkataranta sa muling pagtatagpo ng kanilang landas ni Leilani better known to them as Lanie. Gosh, it's been what? Ten years since he left the Philippines to study in the States.

Ngayong natagpuan muli nina Mateo at Lanie ang isa't isa, pinagtagpo ng tadhana matapos ang sampung taong pagkakawalay. Mabigyan kaya ng chance ang kanilang mga puso na maipadama ang kinimkim na pag-ibig ng kanilang kabataan?

At saan lulugar si Lanie sa pagitan nina Mateo at Eric?

Si Mateo ang lalaking una niyang inibig?

Si Eric na kaniyang matalik na kaibigan na ang misyon ay pabagsakin si Mateo?

A Chance To Love

Copyright © 2015 by Claudia Alejandro

All rights reserved.

No part of this publication may be reproduced, scanned, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

chap-preview
Free preview
Prologue
DI MAIWASAN ANG MAY MAKABANGGAAN ang koponan ni Mateo sa pinapasukang paaralan dahil sa larong football. Sikat at maraming tagahanga sa paaralan si Mateo dahil sa galing nito bilang varsity player. Ayaw na ayaw ng kaniyang papa ang pagsali niya sa sports. Ang gusto nito ay mag focus siya sa pag-aaral. Tanging ang kaniyang nakatatandang kapatid, si Kaye, ang buo ang suporta sa kaniyang hilig sa paglalaro. Si Ate Kaye ay ulirang estudyante tulad na rin ng dikta ng kanilang ama. Honor student ito kada-taon kung kaya ito rin ang napipisil ng kanilang ama na maging tagapagtaguyod ng Vera Industries, ang kumpanya na pag-aari ng kanilang pamilya. Semi-finals game ng kanilang torneo nang magkainitan ang isang laban ng mga manlalaro na may mainit pang palitan ng mga salita at halos maging pisikal na mag-away kaya minarapat ng mga opisyales na itigil na ang laro. Pauwi na ang magkapatid nang harangin ang mga ito ng ilang estudyante ng kalabang koponan. Wala nang masyadong tao sa oras na iyon nang tinatahak ng magkapatid ang daan patungo sa kanilang sasakyan kung saan naghihintay ang kanilang mama. Sa mabilis na pangyayari ay hindi napansin ni Mateo ang paghataw ng baseball bat na ikinatumba nito at ipinanlabo ng paningin. Naramdaman na lang niya ang malamig na bakal na nakatutok sa kaniyang ulo na mabilis na natukoy ni Mateo na isang baril. Kasunod ang malakas na pagsigaw ng kaniyang kapatid ng saklolo ay narinig niya ang isang putok. Tanging mga yabag ng patalilis na mga kabataan ang kaniyang sunod na narinig. Nanunumbalik ang kaniyang paningin nang makita ang mukha nang ina at ang tila malayong boses nito na umiiyak at sumisigaw. She was shocked and near-death pale. Isang mukha ang tumabing dito. Ang tila dahan-dahang pagtumba ng kaniyang ate na tila isang madilim na bangungot. Kasunod ng pagbagsak nito nang walang buhay at duguan. Sa paglisan ng natitirang lakas ay pinipilit ni Mateo na abutin ang kaniyang ate. Sa bawat paglapit ng kaniyang pag-abot dito ay parang lalo itong lumalayo at hindi niya mahawakan. Maging ang malakas na sigaw ng kaniyang mama ay tila lalong humihina. Lumalayo. "Ate Kaye..." At doon na tuluyang nagdilim ang lahat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

His Obsession

read
104.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook