College

1319 Words
Manila, Philippines ISKOLAR NG BAYAN. Sa dinami-dami ng kaalaman ni Leilani Borja, ang taguring iyon sa kanya ang hindi nito alam. Kung hindi madalas na nagbabasa ng libro ay bigla na lang itong nawawala pagkatapos ng klase. Balewala rin sa kaniya ang madalas na maging mapag-isa maski pa karamihan sa ibang mga estudyante ay mas nais ang maraming barkada o tropa. Minsan ay mahuhuli ni Mateo na nakangiti ang dalaga maski mag-isa ito. That is what got him curious about Lanie, ang sadyang palayaw ng babae na naririnig nya sa iilang kaibigan nito. She seems to bring sunshine wherever she goes. Paborito ito ng kanilang mga guro dahil laging handa sa klase. Bagaman nasa pribadong unibersidad sila, ‘di alintana ni Lanie kung napaka-simple ng kaniyang mga gamit kumpara sa karamihan ng mga kaklase nito. Para sa dalaga, pag-aaral ang dahilan kaya siya ay nasa eskuwelahan. Si Mateo man ay tulad ni Lanie. Parating mag-isa, nasa isang tabi at tahimik. Maraming barkada ngunit karamihan sa kanila ay nasa ibang building. Ang mga ito ay mga pinsan o malapit na mga kamag-anak ni Mateo. Iba-iba sila ng kurso kaya madalas sa gabi ay sa bar, gimikan, o kalokohan na sila nagkikita. Ang matalik niyang kaibigang si Iggy na sa Amerika pa lang ay kaklase na niya sa high school. Kasama na rin niyang iyong nag-aaral sa Maynila magmula ng bumalik ang pamilya nito sa Pilipinas. Nagpasya na rin si Mateo na sa Pilipinas na mag-aral upang maski paano ay makasama ang mga magulang at makapag-simula nang mamulat sa pamamalakad ng kanilang kumpanya. Ang negosyo ng kaniyang papa na sinumulan pa ng kaniyang lolo ay ang Vera Industries. Ang VI ay isa sa pinakamatagal nang malaking kumpanya sa Pilipinas. Mula real estate, banko, mga premyadong ospital, pabrika, istayon ng telebisyon at radyo, maging movie production, at marami pa, ay pag aari ng kanilang pamilya. Ang kaniyang papa ang nagpapalakad ng malaking porsyento ng kanilang mga negosyo. Kapag dumarating sa campus si Mateo, dalawa ang reaksiyon ng mga tao sa kanya. Maraming gustong makipag-lapit at marami rin ang umiilag sa dahilang may kasama siyang mga bodyguards araw-araw. Isa sa mga dahilan kung kaya hindi siya nawiwili sa Pilipinas ay sa mga restrictions tulad nito. Pero mas mahirap na nasa malayo siya gayong nagkakaedad na rin ang kaniyang mga magulang. Sa mga iilan na nakikipaglapit sa kaniya ay masasabing tunay na pakikisama naman ang intensiyon ng mga ito. Di naman sa suplado siya pero talaga lang mas gusto niya ang parating mag-isa. Namana siguro niya ang pagiging introvert ng kaniyang ina. Madalas nga lang na ipagkamali iyon ng ibang tao na pagiging suplado o mapagmataas Tanging si Lanie ang walang pakialam kung sino siya. Ni hindi niya rin nakitaan ng kung anong pagka-mangha o pagka-alangan ang babae nang magka-ideya ito kung sino siya. Patuloy ito sa tahimik na pag-aaral sa tabi habang naghihintay sa susunod nilang klase. Minsan ay naririnig niya ang pakikipag-usap nito sa cellphone kung saan ay pamilya nito ang kausap. Di niya sinasadya na minsan ay naririnig niya ang ilang mga kuwento nito sa ina at ang mabirong pakikipag-usap sa mga kapatid. He has never seen anyone as persistent as her when it comes to studies. Samantalang siya, si Mateo Vera, nakalatag na ang plano ng kaniyang kapalaran. Mag-aral man o hindi, alam niyang sa kaniya rin mapupunta ang mga negosyong pag-aari ng mga magulang. Maski pa anong galit ng kaniyang ama ay hindi nito hahayaang sa iba mapunta ang mga pinaghirapan. ISANG HAPON AY TANAW NI MATEO mula sa park na pinagtatambayan nito ay naglalakad si Lanie galing sa loob ng post office ng unibersidad na waring may hinihintay. Sino pa ba ang nagpapadala ng sulat ngayon, meron pa ba? Dumating ang isang babaeng estudyante rin ng unibersidad na may suot na uniporme mula sa ibang kurso. Lumapit ito kay Lanie at sa reaksiyon ng dalawa ay mukhang malapit ang mga ito sa isa't isa. Sinundan ni Iggy ang tingin ng kaibigang si Mateo. "Bro, sinong chick ang ini-stalk mo?" Nanlaki ang mga mata ni Iggy. "Chick na chick! Type mo? Bakit di ko siya napansin sa building namin? Ka-building ko yun uniform niya." "Yun isa, yun taga-engineering." Tukoy ni Mateo kay Lanie. Hindi mawari ni Iggy kung paniniwalaan na ang estudyanteng naka engineering uniform papuntang library ang tinitingnan ng kaibigan. "May utang ba sa 'yo o atraso? Imposible naman na type mo ha?" pambubuska pa nito. "Hindi naman sa hindi siya maganda, mukha naman maganda kung mag-aayos ng konti... pero malayo sa type mo, bro." "Hindi. Kaklase ko. Parang walking encyclopedia. Tinitingnan ko lang kung mukha ngang encyclopedia sa malayo." Kasabay ng mahinang pagtawa. Pero sa totoo ay may kung anong paghanga ang naramdaman ni Mateo na di tulad sa ibang mga kabataan ay gimik ang nasa isip pagkatapos ng klase, alam niyang sa library na naman ang punta ni Lanie na malamang ay hanggang sa abutin ito ng pagsasara ng oras ng kanilang campus. "Tara na nga. Friday night, it's time to parteeeh!" Pag-aaya ni Iggy. CRUSH NG BAYAN. Malamang ay alam ni Mateo Vera na halos lahat ng babae sa campus ay may gusto sa kaniya. Even she is not immune to his mysterious charms. Madalas na nakikita niya itong nag-iisa at tahimik. May umaaligid na mga bodyguards dito na hindi rin nagsasalita. Ayon sa naririnig niyang mga usap-usapan ng mga kaklase ay transferee ito mula sa Amerika. Tumigil ng pag-aaral dahil sa isang aksidente na nangyari. May ilan pa ngang nagsasabi na baka nabaliw ito o kalalabas lang sa mental institution dahil matagal na walang balita sa media rito matapos ang napaka-public international news ukol sa pagkakapaslang sa kapatid nito. Hindi maiwasan ni Lanie na magnakaw ng ilang sulyap sa lalaki kapag sa pakiramdam niya ay hindi siya nito mapapansin. She would look at him and see sadness in his eyes. Minsan may kumakausap dito. Ngunit ang mga kapwa estudyante ang kusang lumalayo. Marahil na rin ay dahil sa may pagka-aloof ang lalaki at mas maedad sa kanila nang limang taon kung kaya nagmi-mistulang mga totoy ang ilang kaklase nila kapag kaharap iyon. Tanging ang mga "doctorate degree" na kung tawagin o iyong mga maraming taon na sa kolehiyo pero dipa nakakatapos ang medyo malapit ang edad kay Mateo. Madalas makita ni Lanie sa kalayuan si Mateo at ang hindi niya maipaliwanag ay ang tuwang hatid sa tuwing nakikita niya ito. Mahirap mangarap na mapansin ni Mateo maski pa ang isipin na kilala siya nito dahil lang sa naging magkaklase na sila nang ilang beses. Dahil sa kakapusan upang makabili ng libro, sa library ng unibersidad madalas maglagi si Lanie. Bukod sa ibang araw na naka-duty siya bilang student assistant din sa library, sadyang doon niya nakahiligang mag-aral. Sa boarding house kasi nila ay masikip at maingay. Wala rin naman siyang hilig na makinood ng telebisyon sa boarding house. Maski sa bahay nila sa Mindoro ay wala silang telebisyon mula nang minsang kinailangan itong ibenta ng kaniyang ina. Kaya libro ang nakahiligan niya. Isang araw na malakas ang ulan at hindi makatawid si Lanie papunta sa kabilang building. Hindi naman tag-ulan pero maski mainit ang panahon ay bigla na lang itong bumuhos. Naalala tuloy niya ang mga kapatid sa probinsya. Sa kanila, mayroon daw ikinakasal na engkanto tuwing umuulan habang mainit ang araw. Hindi maiwasang mapangiti ni Lanie sa naalala. Paglingon niya, hindi inaasahang magtama ang tingin sa katabing naghihintay sa may labasan ng library. Tama ba ang nakikita ko o talagang nagdedeliryo na ko? Nakalimutan ko na naman kumain dahil sa pag-aaral. Ngumiti si Mateo sa kaniya, "Papunta ka sa building? Naka engineering uniform ka, gusto mo sumabay, medyo malakas pa ang ulan?" Hindi mawari ni Lanie kung ano ang magiging reaksiyon. Kinakausap ba talaga niya ako? "Ha? May ikinakasal na engkanto." With an amused expression, Mateo shrugged and went to his waiting car while a bodyguard is holding out an umbrella for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD