Mr. President

1354 Words
"I respectfully nominate Eric Lacson, for president." Mula sa isa sa mga taga-sunod ni Eric ang nagsalita sa nominasyon ng class officers sa klase nina Lanie at Mateo. Si Eric Lacson sa tuwing naglalakad sa hallway ay may napakaraming taga-sunod. Siya ay mula sa sikat na angkan na kilala rin sa bansa. Siya lang naman ang isa sa mga tagapag-mana ng JamLa Corporation na bagaman hindi kapantay sa lawak ng negosyo ng mga Vera, hindi na rin maikakaila ang pag-usbong nito at pagiging tanyag sa maraming larangan tulad ng manufacturing at transportation. Ang iba pang pangalan na nakasulat sa pisara ay ang kina Lanie at Mateo. Nominado rin ang mga ito para sa posisyon ng class president. Isang estudyante ang nag-request na isara na ang nominasyon na sinang-ayunan ng mayorya. Tinawag ng guro ang tatlong nominado sa harap. "Class, pakinggan natin ang sasabihin ng ating mga nominado para makatulong sa inyong pagpili ng inyong iboboto," tinuran ng kanilang adviser na si Miss Cabagbag. "Ladies first..." nakangiti pang sinabi ni Eric. Nabigla naman si Lanie na noon ay nag-iisip pa lamang ng sasabihin. Ni hindi ito makapaniwala na siya ay nominado. Matapos huminga ng malalim ay nagsalita na si Lanie. "Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa pagkakataong ito. P-pero..." naga-alinlangan na tumingin si Lanie sa kanilang guro. "What's the matter Miss Borja?" tanong nito. "Miss Cabagbag and classmates... bilang student assistant at scholar sa tingin ko ay hindi ko kakayanin ang responsibilidad na maging class president. Importante sa akin ang oras sa pag-aaral para sa grade requirements ko, " mahabang paliwang ni Lanie. Dahan-dahang bumalik si Lanie sa kaniyang upuan nang marinig niya ang boses ni Mateo. “Thank you for your confidence in me too. But I am withdrawing. My current responsibilities partly working for in our company is my priority now.” Naglakad na rin pabalik si Mateo sa kaniyang upuan. Napako ang tingin ng lahat sa natitirang nominado na si Eric para sa sasabihin nito. “Well… that leaves me. Does it mean I am the class president?” Pabiro pa nitong tanong. Tumikhim ang kanilang guro na si Miss Cabagbag. “It seems so Mr. Lacson. Sana naman ay hindi ka rin nagbabalak na mag-withdraw?” “Oh no. Bakit naman ako magwi-withdraw, this class is important to me. I mean, marami rin naman akong ginagawa…” Halos nabubulol na paghabol pa nito, “studies… my father also gives me responsibilities in our many businesses… pero ano ba naman ang hindi kakayanin ng time management? So I accept. I am the new class president. It’s my pleasure and honor.” Ngumiti ang kanilang guro. Sa kabila ng classroom ay maririnig ang hiyawan ng mga taga-sunod nito. “Go, Lacson! Alright!” Daig pa ni Eric ang nanalo sa lotto sa pagkaka-ngiti nito na bumalik sa kaniyang upuan. Taas kamay pang kumakaway sa buong klase. Ipinagpatuloy ang eleksyon para sa iba pang mga opisyales. “Alright, ngayon kumpleto na ang ating class officers. You’ll need to submit a proposal to the faculty para sa Engineering fair next month.” Nag-ring ang bell para sa katapusan ng klase. Halos wala nang natitirang mga estudyante sa silid nang sa lalabas si Mateo ay tinawag ito ni Eric. “Vera, busy? O baka hindi mo lang kaya ang responsibilidad na maging class president?” Lumingon si Mateo rito, “Unlike you Lacson, I have real responsibilities and no time for your petty accolades.” Kasunod ang mga body guards nang makalabas na ng silid. Tila naman namula ang mukha ni Eric sa matinding galit sa sagot ni Mateo sa kaniya. ENGINEERING FAIR Isang marriage jail booth ang naging proyekto ng klase nina Eric. Ang ilan sa mga kaklase nila ang naatasan na manghuli ng kanilang mga groom at bride gamit ang posas. Ang nahuling pares ay ipoposas at dadalhin sa marriage booth. Marami pang ibang mga pakulo ang ibat-ibang sections ng mga engineering students para sa kanilang kurso. Habang isang roleta ang papaikutin kung saan nakasulat ang mga tasks para makapag-pyansa ang ikakasal, alisin ang kanilang posas, at makalaya mula sa marriage jail. At sa dahilang fund-rasing na rin ito para sa napiling charity ng klase, karamihan sa pyansa ay may kaukulang bayad. Kung hindi, sa dulo ng seremonya ng pekeng pari at pekeng kasal ay paghalik ng bride at groom sa isa’t isa ang kapalit. Naghihiyawan ang mga estudyante na naka-antabay sa isang pares na kasalukuyang nasa loob ng marriage jail. “Huhulihin namin si Lanie kapag nandito na siya sa vicinity ng fair, Eric. Huwag ka lang masyadong malapit para hindi gaanong halata na sinadya ka naming hulihin din,” pasimpleng sinabi ng isang marriage jail police na estudyante. Isang pagtango lang ang sinagot ni Eric dito. Sa dami ng mga babaeng nahuhumaling kay Eric, tanging si Lanie ang tila hindi manlang pumapansin dito. Sa balita rin niya ay wala man lang itong manliligaw o di kaya ay nobyo. Bagaman probinsyana at simple, hindi maikakaila na likas itong maganda. Hindi nga lang palaayos tulad ng ibang mga kilala niya. Nabalitaan niya noon na ito ay tumatanggap ng pagtu-tutor sa mga highschool o di kaya ay lower year students. Isang malaking challenge para kay Eric na mapansin nito. Hindi dahil balak niya itong seryosohin kundi mapatunayan na lahat na ang kaniyang ginusto ay makukuha niya. Ngayon na magkakasama sila sa marriage jail ang pagkakataon para maging malapit sila sa isa’t isa. Sa di kalayuan ay natatanaw ni Eric ang parating na si Lanie. Tinimbrehan niya ang dalawang marriage jail police sa dako kung nasaan ang babae. Nagsimula nang lumakad ang mga ito patungo kay Lanie na tila wala manlang interes sa mga kaganapan. Bagkus pa nga ay nagmamadali ito maglakad patungo sa entrada ng kanilang building at hindi sa nagaganap na fair. Tumunog ang cellphone ni Eric. Pangalan ng ama ang nakarehistro sa screen nito kung kaya agad-agad nito iyong sinagot. Dahil na rin sa ingay ng maraming mga estudyante at mga tugtugin, hindi nito marinig ang ama. “I will call you back. Lilipat lang ako sa hindi maingay,” saad nito. Isang nabiglang Lanie naman ang muntik nang sumigaw nang lapitan ito ng estudyanteng naka costume ng pulis. May badge pa ito na hugis puso na ipinakita sa kaniya. “Arestado ka at dapat sumama sa amin sa marriage jail!” Sigaw pa nito sa kaniya. Ang isang pulis naman ay hinawakan siya sa braso at pinosasan ng kulay pula at may mga balahibo pa at glitters. “Ha? Ah, e nagmamadali ako, baka puwede mamaya na lang?” Nagsimula na pumiksi si Lanie para alisin ang kamay nito sa posas. Naka-lock na ito. Itinaas pa g pulis ng susi. “Mabilis lang ito, miss. Sumama ka doon sa booth habang hinahanap natin ang groom mo.” Iginigiya ng dalawang estudyante si Lanie patungo sa booth. Sinasalubong naman ang mga ito ng dalawang estudyanteng babae na may dalang belo at plastic na bouquet ng bulaklak. Sa lalapit ay mariring pa ang wedding march song sa background ng napapalamutiang marriage jail. Sa labas nito ay ang isang estudyante na naka-costume ng pari. Walang nagawa si Lanie nang ipasok siya sa loob nito at nilagyan ng belo sa ulo. Makailang sandali ay kinuha ng isang pulis ang kaniyang kamay at may dumait na tila kamay din ng isa pang tao. Nakaposas siya at sa kabila nito ay ang sinasabing groom na nabiktima rin ng mga nagpapanggap na pulis. “Kung saan tumapat ang roleta, iyon ang pang pyansa ninyo para makalabas kayo rito.” Iniikot nito ang roleta. Mabilis na lumingon si Lanie sa nagpapaliwanag na pulis. Nang tumigil ito, natapat sa halagang isang libo ang sinasabing pyansa. Lumaki bigla ang mata ni Lanie sa halaga kung saan huminto ang roleta. “Teka, wala akong pambayad niyan!” pagtutol ni Lanie. Hindi naman nito maalis nang maayos ang belo dahil may hawak siyang malaking bulaklak habang ang isang kamay niya ay nakaposas sa kaniyang groom. Doon na sinipat ni Lanie ang katabing lalaki. Sa pagitan ng mga butas ng belo, hindi na nakapag-salita ito. Si Mateo ang lalaking kasama niya sa loob ng jail.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD