“Okay, I will pay for it. Palabasin ninyo na kami rito,” sagot ni Mateo sa pulis.
“Ang rules nito ay dapat hati kayo sa pyansa. Ang hindi makapagbayad ay halik ang ibabayad matapos ang inyong kasal.” Paliwanag ng pekeng pari.
“Handa na ang marriage certificate ninyo,” sagot ng isang organizer at lumingon pa sa pari, “Umpisahan na natin, father.”
“Ha? Teka. Wala akong pambayad. At hindi ako hahalik sa kaniya.” Tutol ni Lanie.
Hindi naman mapigilan ni Mateo na mangiti ng palihim sa mga kaganapan. It’s so amusing to see Lanie flustered. Maaari naman niyang bayaran ang kaukulang pyansa. But seeing her discomfort bring color to her cheeks, maski pa nasa loob ito ng belo is bringing out a charm new to him.
Napapansin na niya ito sa klase nila. Napakaraming nagpapa-cute ritong mga lalaki na tila hindi nito pansin. She seems unaware of her beauty. Namamagneto ang maraming lalaki sa ka-inosentehan nito.
Even he is intrigued about who Lanie is.
Pero dumidistansya siya. Yes, he is not a saint practicing celibacy. Maraming mga babae na kusang lumalapit sa kaniya na casual na relasyon lang ang hanap.
And Lanie, maski hindi nito sabihin ay nakasulat sa buong pagkatao niyon na seryosong relasyon lang ang hanap ng dalaga.
Pero ibang pang-akit pa rin ang dala niya sa maraming kalalakihan ng engineering students. Araw-araw niyang nakikita ang mga umaaligid dito na hindi pansin ng dalaga.
“Do you take this man as your lawfully wedded husband…” umpisa ng pari.
“Father teka lang!!! Kailangan ko ng abogado para makalabas dito,” sigaw ni Lanie.
“Miss, ang way lang makalabas ka ay magbayad or halikan si mister pogi. O di kaya ay maghintay ka ng papalit na groom ‘pag nagbayad na si mister pogi. Kung tatapat sa mas afford mo nang halaga e tsaka ka magbayad. Ang suwerte mo nga e, biruin mo ang pogi ng magiging asawa mo.” Nagpa-cute pa ang isang organizer na tumingin kay Mateo
“Miss baka puede naman na tulungan mo ko dito. Wala akong pambayad. Tapos yun first kiss ko pa e… gagawin kong pambayad utang? Pareho tayong babae I’m sure naiintindihan mo yun.” Nagsusumamo na si Lanie sa babae.
Pinipigil ni Mateo na matawa. Inilapit nito ang mukha sa kaniyang bride.
“Ganito na lang. Papautangin kita ng pambayad at ako na lang ang hahalik sa’yo sa pisngi para hindi ka mapilitang humalik sa akin. Ipikit mo lang yun mga mata mo at ako na ang bahala. Okay ba yun?” Sa lapit ng bibig nito sa tenga ni Lanie para bumulong, tila naubusan si Lanie ng hangin at hindi nakahinga.
Nananalaytay sa kaniyang buong katawan ang presensya nito na nagdadala sa kaniya ng ibang pakiramdam. Hinawakan siya ni Mateo sa kabilang balikat para magkaharap sila.
“Okay?”
Isang tango ang isinagot ni Lanie sa tanong nito. Wala sa isip ni Lanie kung ano ang nangyayari. Ang tanging alam niya ay ang presensya ng lalaking kasama sa kulungang iyon.
“Father, we’re getting married.” Anunsyo ni Mateo sa pekeng pari. Sa kamay nito na nakaposas ay iniaabot ang limang daan sa palad ni Lanie.
Nagsimula nang magsalita ang pari. Marahang sumagot si Lanie ng “I do” nang mahinang tinawag ni Mateo ang kaniyang diwa pabalik sa pangyayari.
Tinanong ng pari si Mateo, “Do you take this woman as your lawfully wedded wife?”
“I do.”
Tumikhim ang pari at ngumiti pa, “You may kiss the bride.”
Sabay sigawan ng mga nanonood sa paligid.
Sa sobrang lakas ng pagtahip ng dibdib ni Lanie habang dahan-dahang inaalis ni Mateo ang kaniyang belo ay hindi niya naririnig ang lakas ng mga sigawan.Ang t***k at nerbyos ang patuloy na dumadagundong sa kaniyang pandinig. Nang tuluyan nang naalis ang kaniyang belo ay nakatingin si Mateo sa kaniyang mga mata.
Namagneto rin siya na tumingin sa mga mata nito pababa sa perpekto nitong ilong at ngayon ay sa mapupula nitong mga labi.
Ganito pala ang slow motion sa pelikula. Eto na ang first kiss ko!
Sa isip ni Lanie.
Nang dahan dahang lumalapit na ang mukha nito sa kaniya ay naramdaman ni Lanie ang palad nito na pumaikot sa kaniyang baywang. Hinapit siya nito palapit sa kaniyang katawan.
Oo nga sa pisngi dadampi ang labi nito pero hindi niya maipaliwanag ang nadarama na magkahalong kaba at kilig. Alam naman ng lahat kung gaano ang tikas, gandang lalaki, at estado ng kaniyang groom. Hindi rin niya maiwasan na minsan ay mapatingin dito sa tuwing nakikita niya ito sa klase. Hindi nga lang niya iyon pinapahalata dahil wala sa isip niya ang makipag-relasyon at iniisip niya na hinding hindi siya nito mapapansin.
Napapikit si Lanie sa sensasyon ng buong presensya ni Mateo.
Sa kabila ng kaniyang isip ay may biglang tumawag sa kaniya. Pamilyar na boses.
Mumulat si Lanie para lingunin ang boses na iyon. Sa bigla niyang pagbaling, kasunod ang paglapit ng mukha ni Mateo ay dumikit ang labi nito sa kaniyang labi.
Tumigil ang oras para kay Lanie. Muli ay napapikit si Lanie sa libo-libong boltahe na tila dumaloy sa kaniyang katawan.
Mateo instantly felt the surge of electricity when their lips met. Nahigit niya ang paghinga sa oras na iyon. He savored the moment. He felt his own lips gently moving for more. He felt her lips gently push towards his and the moment’s hesitation.
Ang tindi nang pagpipigil sa sarili na palalimin ang halik na iyon dahil ayaw niyang samantalahin ang pagkakataon. Sa napakabilis na sandali na tila tumigil ang oras, pinilit ni Mateo na ilayo ang labi mula sa labi ni Lanie.
Pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pagtingin sa nakapikit pa rin nitong mukha habang dahan dahan siyang lumalayo rito. Her luscious lips seemingly inviting for more.
“Lanie!” Malakas ni boses ni Eric ang gumising sa diwa ng dalaga.
Namumula man ang mukha ay napalingon si Lanie sa boses ni Eric na patuloy na tumatawag sa kaniya.
Nagsisigawan naman ang iba pang mga estudyante na nanonood sa kaganapan sa labas ng marriage jail. Inalis ng pulis ang kanilang posas.
Tila nagising na ang buong diwa ni Lanie na tumingin kay Mateo, “S-sorry. Hindi ko sinasadya.”
Mabilis na inalis ni Lanie ang belo, isinoli ang bulaklak, at lumabas mula sa booth. Iniabot pa nya ang limang daang bayad sa pulis. Walang lingon-likod nitong tinahak ang palayo.
Si Eric naman ay hindi mapigilan ang pagdilim ng mukha sa dalawang pulis na kakutsaba habang nagsimula nang lumayo si Mateo sa booth. Hawak pa nito ang marriage certificate na iniabot sa kaniya ng isang organizer.
Habol nang mga mata ni Mateo ang likod ni Lanie na alam niyang sa school library papunta kung ito ay nagdu-duty bilang student assistant.
Oo alam niya.
Dahil hindi man alam ng dalaga ay matagal nang napukaw nito ang interes ni Mateo.