Nasa library si Lanie para sa kaniyang duty bilang student assistant.
Tulak ang isang trolley na puno ng mga libro na isinauli ng mga estudyante sa library ay isa sa trabaho niya na ibalik ang mga iyon sa tamang lugar. Ang tulak ni Lanie ay para dalhin ang mga iyon sa Arts section.
Nasa mababang bahagi si Lanie ng isang step ladder. Balak na sana nitong ibalik ang isang malaking libro nang buksan niya ito sa pahina kung saan ay ang litrato ng Leaning Tower of Pisa. Sa kabilang bahagi ay ang ilang impormasyon tungkol sa tanyag na gusali. Bilang isang engineering student ay napukaw ng kaniyang interes ang technical specification ng building bukod sa ganda ng disenyo nito.
Bahagyang hinahawakan ni Lanie ang pahina na may litrato ng gusali.
“Lanie…” mahinang tawag ng isang boses sa kaniya. Nagulat si Lanie na lumingon sa direksyon ng boses.
Nabigla siya nang sa paglingon ay kapantay niya ang mukha ni Mateo. Hindi niya inakala ang lapit nito. She instantly leaned back at dahil nasa step ladder ay muntik pa siyang malaglag.
Mabilis na dinaluhan ni Mateo ang dalaga. Inabot niya ito para alalayan na hindi mahulog.
Nang hindi na mabuway si Lanie ay nanatili itong nakatingin lang kay Mateo at nag-init ang pisngi nang maalala ang marriage jail nang nakaraang araw.
“Sorry, I startled you,” pahinging paumanhin ng binata.
“Okay lang,” sagot ni Lanie na bahagyang pumiksi dahil hawak pa rin siya nito.
He hesitantly removed his hands from him.
Tumayo at nagsisimula nang umakyat si Lanie sa step ladder para ibalik ang libro sa lalagyan.
“May kailangan ka ba na libro?” tanong niya rito na umiiwas na tingnan ang lalaki.
“Wala. I wanted to talk to you.”
“Ha? E kasi naka-duty ako ngayon tsaka library ito, bawal ang maingay…”
“I can wait,” dugtong pa nito, “then we go elsewhere.”
“Mamaya pa ako e. Baka maabala kang masyado. Tungkol ba saan?”
“It’s okay. Antayin kita. Uupo muna ako banda roon.” Lumayo na si Mateo para umupo sa isang gilid malayong bahagi.
Nagsimula na muli si Lanie na ibalik ang mga libro sa iba’t ibang lugar ng section na iyon.
Nako-conscious pa ito dahil ramdam niya minsan na tila nakatingin sa kaniya ang binata. Nagulat din siya sa pasensya nito na maghintay.
Nang matapos ay nilapitan niya si Mateo.
“Kailangan ko lang ibalik iyong trolley sa utility room at mag log-out sa shift ko. Sa may exit na lang tayo magkita.”
“Hindi na, tulungan na kita. Sabay na tayo.” Kinuha pa nito ang trolley at sinimulang itulak.
“Ha? Teka, trabaho ko yan.”
“Bakit, mase-sesante ka ba kung tutulungan kitang itulak ito?” Mahina man ang pagkakasabi ay hindi maikakaila ang halong pagbibiro sa tono ni Mateo.
Wala namang nagawa si Lanie kundi sabayan ang binata. Ni isang salita ay wala nang namutawi sa dalawa hanggang makalabas ng library.
Napansin ni Lanie na may mga bodyguards ito sa di kalayuan.
“Let’s talk somewhere na mas may privacy, if it’s okay?” tanong ni Mateo kay Lanie.
Isang tango lang ang isinagot ni Lanie at sumunod dito.
Dahil hapon na at marami na ring mga estudyante ang nagsisi-uwian na, sa ‘di kalayuang garden park sila nagpunta. Nagsisimula nang lumamig ang simoy ng hangin kaya yakap ni Lanie ang binder at folder nito.
Si Mateo naman ay inilahad ang kamay para alukin na dalhin ang mga gamit niya.
Umiling lang si Lanie. “Hindi na, okay lang.”
Natawa ng bahagya si Mateo na ngayon ay nasa harap na ng dalaga.
Tumingin si Lanie sa mukha nito at nagtataka bakit ito natawa.
“Galit ka ba sa akin?” tanong ni Mateo.
“H-hindi bakit mo nasabi yan?”
“Kasi parang ang higpit ng hawak mo dyan sa binder mo, baka maihambalos mo sa akin.”
“Naku hindi, malamig na kasi…” at hindi rin naman niya aaminin na kinakabahan siya at ang binder niya ang shield niya sa lalaki. Maski pa hindi naman ito shield talaga.
Biglang ihip ng malamig na hangin ang tila kumampi pa sa depensa ni Lanie para patunayan na tama ito.
“Yeah, it is.” May damdaming nagtutulak kay Mateo na hilahin ang dalaga sa kaniya para bigyan ito ng yakap at maibsan ang nararamdamang lamig. Ngunit hindi niya magawa dahil baka totoong maihambalos nga nito sa kaniya ang binder nito. Bagkus ay ipinasok niya ang mga kamay sa loob ng bulsa kaniyang pantalon para hindi iyon magawa.
“Ano nga pala ang sasabihin mo? Hindi ko pa alam paano kita mababayaran doon sa limang daan…”
“Don’t worry about it. I’d like to know you’re okay after what happened in the fair.”
Pumasok sa ala-ala ni Lanie ang naganap na halik at muli siyang namula.
“Salamat kung ganun…” mahinang tugon ni Lanie. “Okay lang ako. Sorry pala. Kung hindi ako lumingon kay Eric…” Halos magkanda-utal sa mabilis na paliwanag si Lanie.
Mateo cut her off.
“I’m not sorry it happened.”
Napipihan si Lanie sa isinagot nito.
“I really just wanted to know you’re okay. I heard you say it’s your first kiss. I hope I didn’t ruin it.”
Tumango si Lanie at nagbaba ng tingin. Hindi niya alam ang isasagot dito.
Kinuha ni Mateo ang isang papel na naka-rolyo sa breast pocket ng uniporme nito.
“’Eto nga pala. Maybe you should keep it. Usually, the wife is more organized when it comes to these things right?”
Inabot ni Lanie ang papel. Nang buksan nito iyon ay ang kanilang marriage certificate.
May pirma ito ni Mateo. Inabot din nito ang isang ballpen sa kaniya.
“You need to sign it to be binding.”
“Ano? Puro ka kalokohan.”
“Come on, humor me, Mrs. Vera.” Kasunod niyon ay isang tawa na may taginting na noon lang narinig ni Lanie rito. Hindi naman sila nag-uusap dati para marinig niya ang mga iba nitong tawa. Pero sa kadalasan ay tila tahimik ito at seryoso.
Inabot ni Lanie ang ballpen. Nagulat pa siya na isa itong branded na ballpen na halos kasing halaga na yata ng bahay nila sa probinsya.
Pinirmahan ni Lanie ang papel.
“Ayan, may pirma na.” Natatawa si Lanie sa kalokohan na ito.
Sinilip pa ni Mateo ang papel.
“Let me see, baka ibang pirma ang nilagay mo dyan.”
“Hindi kaya.”
“Okay, I believe you,” nakangiti pa ito sa kaniya.
“Ah, kailangan ko na kasi umalis. May appointment pa ako. Ako kasi ang tutor ng anak ng landlady ko. High school siya, si Megan.”
Tumaas ang isang kilay ni Mateo, “Ang sipag ng wife ko talaga. Before you leave, wala bang goodbye kiss?”
“Ha?”
“Joke lang,” biro ni Mateo.
“Ikaw talaga. Sige alis na ako. Bye.” Nagsimula nang lumakad si Lanie palayo. Nang makatalikod ay hindi mapigilan ni Lanie na ngumiti ng palihim. Iba ang pakiramdam niya. Masayang kinakabahan.
"Ito na ba yun pakiramdam ng totoong kinikilig?" tanong ni Lanie sa sarili.
Hindi pa rin maalis ni Mateo ang tingin sa palayong dalaga. He never felt so much comfort and such of happiness sa konting oras na iyon kasama si Lanie.
Kanina nang inaantay niya ito, hindi siya naiinip manlang habang pasulyap-sulyap dito habang nagta-trabaho ito sa library.
He just felt it’s but a natural thing for him to be with her.
Tumunog ang cellphone ni Mateo. Sinagot niya ang tawag ng best friend na si Iggy. Unlike Lanie who has important things to do, his only appointment is to waste time and money going out with his friends.
Naisip niya baka dapat gayahin niya si Lanie na ginugugol ang oras sa mga importanteng bagay.