A New Leaf

2237 Words
“That’s a welcome news,” saad ni Marcelo Vera ang presidente at may-ari ng Vera Industries na ama ni Mateo. “That’s great, son. But are you sure? With school and all, baka mapabayaan mo ang pag-aaral?” ang kaniyang ina na si Alicia. “It’s okay, I don’t have classes on Mondays and Tuesdays. Although Saturdays I have most of hours in school. But all is good,” paliwanag ni Mateo sa mga magulang. Nagpahiwatig siya ng interes na matuto sa kanilang negosyo. “Alright. You come with me today. Doon ka sa mailroom for the first two weeks. Sa ganoon ay maiikot mo ang opisina at makikilala ang karamihan sa mga tao. Hindi dahilan na anak kita ay magkakaroon ka ng special treatment,” pagsang-ayon ng kaniyang ama. “Marcelo, how could you do this to our son?” gulat na gulat na tinuran ng kaniyang ina. “It’s okay, ‘Ma. Let Papa do his thing. I don’t mind.” Hindi na napigil pa ni Alicia ang kaniyang asawa sa desisyon niyon dahil sa pagpayag ni Mateo. Tumulak ang mga araw na nagtrabaho si Mateo sa bakanteng mga oras nito sa opisina ng ama. Hindi rin siya nagpapakilala bilang anak ng founder at presidente ng kumpanya. Sa lawak ng mga negosyo ng mga Vera ay naisip ni Mateo na dapat niyang simulan na alamin ang mga ito. Maski pa ang kaniyang namayapang kapatid ang orihinal na hinubog ng ama na sumunod sa yapak niyon, gusto rin niya na ipakita sa mga ito ang malasakit sa kanilang mga negosyo. Hindi rin maialis ni Mateo na inspirado siya sa nakikita niya kay Lanie. Halos lahat ng oras nito ay ginugugol sa mga mahalagang bagay. Samantalang siya ay biniyayaan ng mas maunlad na buhay at maraming pagkakataon. Compared to him, Lanie is such a strong-willed young lady packed in such a slender body with angelic features. Inosente. Matalino. Masipag at responsable. Tulad ngayon nasa warehouse siya at natutong mag-operate ng forklift. Mainit man at nakakapagod. Walang reklamo si Mateo maski pa mabigat ang mga araw-araw na trabaho. Lalo niyang nauunawaan ang hirap at detalye ng trabaho ng kanilang mga tauhan. Ang gamit niyang pangalan ay ang palayaw na tawag sa kaniya ni Kaye, Mat. Hindi niya intensyon na magsinungaling kundi iwasan lang ang special treatment ng mga tao. May ilan na matataas na posisyon ang namumukhaan siya paminsan-minsan. Pero malamang ay natanggap na ng mga ito ang memo ng kaniyang ama na hayaan siyang magtrabaho ng tahimik at walang kakaibang pribilehiyo. Sa canteen din ng mga trabahador siya kumakain. Sumasabay siya sa company shuttle at bumababa sa lugar kung saan naghihintay ang kaniyang kotse sa di kalayuan. Nang minsan ay inaya si Mateo ng isang katrabahong warehouseman na si Benok na dumalo sa binyag ng kaniyang anak sa darating na Sabado. Pagkatapos ng oras ng klase nya iyon kaya sumagot siya na makakadalo. Nang araw ng Sabado matapos ang klase, nagpalit ng damit si Mateo na puting kamiseta at maong na pantalon. Bagaman simple ang suot, hindi pa rin maalis ang awra nito at tikas ng katawan. Nagpupumilit pa ito na maglakad lang papunta sa bahay nina Benok. Ayaw pumayag ng security detail ni Mateo sa plano niya. Malapit lang sa kanilang school ang bahay ni Benok sa Sampaloc area. Kaya walang nakikitang problema si Mateo. Ipinagpilitan ni Mateo ang sarili na maglakad. Matapos tumawid sa pedestrian overpass ay ilang kanto at papasok sa isang eskinita ang tinutumbok na lugar ni Mateo nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Tumabi siya para sagutin ang tawag mula kay Iggy. “What the hell Mateo?” “What?” “Hindi ka na naman sasama sa amin? Been weeks na hindi ka na naming makasama. May girlfriend ka ba na tinatago sa amin?” “Loko ka, alam mo naman na nagsimula na ako mag part-time sa VI diba?” “Oo nga, pero Sabado ngayon, wala ka nang pasok. Tara na antayin ka naming sa Groove.” “Pass ako bro. I have a commitment today. Bawi ako next week. I got to go.” Nang sa patuloy na paglakad ni Mateo ay natunton na niya ang eskinita nina Benok. Hindi inaasahan ni Mateo ang dinatnan na kasiyahan. Ipinasara ni Benok ang parte ng eskinita kung saan may handaan ang mga ito. Tutal ay dead-end naman iyon, nasa kalsada mismo ang catering sa ilalim ng tent na may pangalan pa ng pulitiko. Nang malingunan ni Benok si Mateo ay nagliwanag ang mukha nito. “Mat! Pare halika rito,” sigaw pa nito, “Sweetheart, halika papakilala kita sa katrabaho ko dalhin mo si Junior.” Inakay din si Mateo ng isang matandang babae na biyenan pala ni Benok at pinaupo sa mesa malapit sa handa. “Magandang araw sa inyo,” pagbati ni Mateo sa matanda. “Aba ikaw pala ang sinasabi ni Benok na poging katrabaho niya. Akala naming e nagkakagusto na sa lalaki itong manugang ko. E totoo naman pala.” Tawa pa ng tawa na sagot nito sa kaniya. Nangingiti lang si Mateo sa matanda. Mamaya ay may ilang mga bata ang nakamasid lang kay Mateo. Nagbubulungan pa ang mga ito. “Katrabaho ni Tito Benok. Ang pogi parang artista.” “Baka artista…” “Artista po kayo? Puede po ba magpabati sa TV?” Isang batang babae ang nagtanong kay Mateo. “Ah hindi ako artista…” Nagsisimula nang mag-init nag pisngi ni Mateo sa atensyon na natatanggap niya. “Mga bata, huwag niyong abalahin si Mat,” pagtataboy ni Benok. “Mat eto pala ang misis ko, tsaka si Junior.” “Good afternoon sa inyo,” bati ni Mateo na nakangiti. “Thank you sa pag-imbita sa akin,” “Naku totoo pala ang sinasabi nitong asawa ko na ang pogi mo. Kung di ko lang alam na tunay na lalaki ito e kakabahan n asana ako e na lalaki na ang gusto niya.” “Sweetheart ano ka ba?” saway ni Benok. Naaasiwa na nangiti lang si Mateo. “Naku e kumain ka na nga, mamaya lang dadating yun mga ka-shift natin. Umiinom ka ba? Mag-inuman tayo ha?” Inaabutan na siya ni Benok ng paper plate para kumain. Sa di kalayuan ay hindi alam ng ilang security ni Mateo kung saan pupuwesto sa eskinatang iyon na hindi mapapansin ng mga residente. Maski naka ordinaryong damit ang mga ito at layo-layo ng puwesto. Hindi sila taga-roon kaya baka magtaka ang mga tao. Isa pa, maraming mga tao kaya hindi rin sila maaring lumayo. Mahirap nang masalisihan sila ng masasamang may balak sa heredero ng mga Vera. Nagsisimula nang kumain si Mateo nang biglang tawagin ni Benok ang kaniyang pangalan. Sa una ay hindi siya agad nakalingon dahil hindi siya sanay na tawaging Mat lamang. “Mat, e ipapakilala ko sa iyo itong kababayan naming nag-aaral dito sa Maynila. Ipasabay ko na sa’yo kumain kasi dito na lang may bakanteng upuan. Tsaka maganda ito, pogi ka. Kaya bagay kayo magtabi sa upuan.” Nang lingunin ni Mateo ang mga ito, bahagya siyang nagulat na si Lanie ang kasama ni Benok. Rumehistro rin ang gulat sa mukha ni Lanie pero hindi ito nagsalita. Iginiya naman ni Benok si Lanie na tumayo muna sa tabi ni Mateo para kumuha ng upuan. Sa tatayo sana si Mateo para paupuin si Lanie ay pinigil ito ni Benok. “Hindi na ito na.” Inilipat ni Benok ang isang bakanteng upuan sa tabi ni Mateo, “Napaka gentleman talaga nitong poging kaibigan ko, Lanie. Iwan ko na muna kayo ha?” Tumingin si Benok kay Mateo at sumeryoso, “Pareng Mat, kababaryo ko itong si Lanie, sabi mo sa akin wala kang girlfriend noong isang araw, pero maski pogi ka, huwag na huwag mong iiskoran itong si Lanie ha, nangako kami sa nanay n’ya na babantayan namin ito habang naga-aral dito.” Alanganin na napangiti lang ang dalawa kay Benok hanggang sa umalis ito. Pabulong na tinanong ni Lanie si Mateo. “Paano ka naging katrabaho ni kuya Benok?” Pabulong din na sumagot si Mateo? “Mahabang kwento, pero hindi nila alam na ako yun Mateo Vera na anak ng mga magulang ko. Sila ang may-ari ng kumpanya kung saan kami nagkakilala ni Benok.” “Hindi nila alam na ikaw ang anak ng may-ari? Basically amo nila?” “Hindi nila ako amo, katrabaho ko si Benok, pareho kami ng trabaho sa warehouse.” “Talaga?” “Hindi ka naniniwala na kaya ko ang trabaho nina Benok?” “Hindi naman sa ganun…” “Well, Mrs. Vera, hayaan mo magsusumikap ako para sa binyag ng junior natin may pa-catering din.” Natawa si Lanie sa sagot nito. “Puro ka biro kumain ka na. Tikman mo yun leche flan, ako gumawa.” “At magaling pa ako pumili ng asawa, marunong sa kusina.” Isang mahinang tapik ng tuhod ang pinatama ni Lanie sa tuhod ni Mateo at pinanlakihan ng mata ang lalaki. “Ano?” patay-malisya na tanong ni Mateo. “Huwag ka ngang maingay mamaya marinig ka ni kuya Benok.” Bahagyang tinapik ni Lanie ang tuhod ni Mateo sa ilalim ng mesa. Palingon-lingon pa si Lanie para siguraduhin na malayo si Benok sa kanila. “Misis mamaya na mang-tapik, maaga pa. Pag-uwi natin puwede ka na maka-score sa akin.” “Ano?! Aalis ako dito. Ikaw talaga.” Namumula na si Lanie na tatayo sana. “Di ka na mabiro. Dito ka lang,” ang laki ng ngiti ni Mateo sa dalaga. Nakaka-ilang shot na sina Mateo ng gin kasama ng mga katrabaho. Hindi siya sanay sa klase ng iniinom kaya naramdaman niya na baka malasing siya agad. Naisipan ni Mateo na tumayo ay hanapin ang banyo bilang dahilan para malapitan si Lanie na natatanaw niya sa loob ng bahay. “Lanie, I will need to leave in a while. Baka kasi malasing ako,” pabulong ni Mateo rito. Nang tumuwid ng tayo si Mateo ay katabi na niya si Benok. “Anong binubulong-bulong mo ke Lanie?” May konting tama na ng alak si Benok. “E kuya Benok. Classmate ko po kasi si Mat. Magkakilala na po kami bago pa ngayon,” depensa ni Lanie. Alam niya kung gaano ito ka protective sa kaniya. Matiim na tiningnan ni Benok si Mateo. Pero si Lanie ang tinanong, “Ganun ba? E nililigawan ka ba nito sa iskul?” “Hindi po,” sagot ni Lanie na nakatingin ke Benok. “Hindi pa,” sagot ni Mateo na nakatingin kay Lanie. Sa gulat ni Lanie ay mabilis na napalingon ito kay Mateo. Lumingon naman si Mateo kay Benok. “Hindi pa. Kaya nga ako nagtrabaho kasi na-inspire ako sa sipag niya. Nakakahiya naman kung puro gimik lang ako.” Sumagot ang isang bata na kanina ay kausap ni Mateo, “Ate Lanie, sagutin mo na si mister pogi.” “Ha? Puro kayo kalokohan. Marami yang chicks sa iskul,” pag-iwas ni Lanie. “Teka nga aalis na ako. May curfew ang boarding house ko, baka masarahan ako.” “Teka ipapahatid na kita,” habol ni Benok. “Hindi na kuya, sige bye.” “Ako na maghahatid sa’yo,” habol ni Mateo sa dalaga. “Hindi na sige na…” Patuloy sa paglalakad si Lanie. Nakalabas na ng eskinita ang dalawa nang tawagin ni Mateo si Lanie. “Lanie, wait. Please…” Nang lingunin ni Lanie ang binata ay nasandal ang mga palad nito sa pader at nakatungo sa semento. Lalapitan sana ito ng isang lalaki na sa tingin ni Lanie ay isa sa mga bodyguards nito nakikita niya sa school. Sinenyasan ito ni Mateo na huwag lumapit. Nagdadalawang-isip si Lanie na lapitan ang binata tutal naman ay siguradong hindi ito mapapabayaan. Humawak si Mateo tiyan nito na tila naduduwal. Lumapit na si Lanie sa binata. “Okay ka lang ba?” “Wait, sandali lang. Give me a minute,” nakapikit pa ito na tila nagpipigil na magkalat sa daan. Huminga ito ng malalim. “That was embarrassing.” “Teka ito inumin mo itong tubig ko.” Binuksan ay inabot ni Lanie ang tumbler niya na sa binata. Tumungga naman ito at halos maubos ang tubig niyon. “Salamat,” muli itong huminga ng malalim at tumuwid na ng tayo. Hawak pa rin ang tumbler. “Tara ihahatid na kita.” “Malapit lang ako rito. Umuwi ka na kaya… sure ka ba na okay ka?” Naga-alala na tanong nito. “Oo okay na ako. Saan ka ba?” “Sa kabila ng school ako, sanay ako lakarin yun kaya lang baka malayo sa’yo.” Nang sinabi ni Lanie ang pangalan ng kalye sa kaniya ay kumunot ang noo nito. “What, maglalakad ka lang hanggang doon?” May bahid pag-aalala ang tono nito dahil sa tingin ni Mateo ay delikado para rito ang maglakad sa lugar na iyon. “Sanay naman ako…” “No, alam kong kaya mo magkalakad ng malayo. It’s the danger I’m worried about.” “Sanay ako sa Sampaloc, Mateo.” Lumapit si Mateo sa dalaga at hinawakan ito sa kamay. “You don’t get it, do you? You don’t know how beautiful you are walking around here with half of the male on the street gawking. It’s getting into me.” Lalong hinigpitan ni Mateo ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga. “Ihahatid kita. Let’s go.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD