Sa loob ng campus pinili ni Mateo na dumaan. Mas malayo ang ruta niyon na lakarin pero pakiramdam niya ay mas safe iyon. Ilan beses na inalok ni Mateo na sumakay na sila sa kotse nito na nakaparada sa loob ng campus. Pero tinanggihan ito ni Lanie. Masikip at ma traffic sa labas. Baka imbes makauwi agad ay tatlong oras na traffic ang aabutin bago siya makauwi. Hindi naman talagang mahigpit ang land lady ni Lanie sa oras lalo na may tiwala ito sa kaniya. Dinahilan lang niya iyon para makatakas sana sa awkward na usapan nila kanina sa bahay ni Benok. Ang kamay niya ay hawak pa rin ni Mateo. Nasa kahabaan sila ng daan sa school field nang mapatingala si Mateo sa mabituing langit at huminto. “Look, it’s the north star.” Itinuro pa niyon ang nagniningning na bituin. Tumingin din si Lanie sa

