Si Eric na palaging ikinukumpara ng ama nitong si Don Jaime kay Mateo at sa iba pang mga anak ng mga malalaking negosyante sa bansa na kilala nito. Pero nang malaman ng matanda na magka-klase sila ng tagapag-mana ng mga Vera, lalong naging masigasig ito sa pangarap na maungusan ang yaman ng Vera sa bansa at ang maungusan niya si Mateo. Hindi maintindihan ni Eric ang ama. Pero mula nang nalaman nito na magka-klase sila, dumalas na tawagan siya ng ama na dating hindi manlang siya nito pinapansin. Maski pa ba kadalasan ang dahilan sa pagtawag nito ay para alamin ang mga ginagawa ni Mateo ay hinayaan na lang ni Eric. Ang mahalaga ay nakuha niya ang atensyon ng ama. Kaya naman madalas ay mina-matyagan niya si Mateo. Habang mataman niyang ino-obserbahan si Mateo, nakatingin iyon kay Lanie n

