NAPALINGON si Lanie habang naglalakad nang maramdamang may kung anong bagay ang tila nahulog mula sa kanyang mga gamit. Hindi niya makita sa kadamihan ng mga estudyanteng naglabasan sa classroom ng oras na iyon kung meron ngang nahulog. Kibit balikat na muling naglakad si ito. At dahil sa pagmamadali na makarating sa klase para sa final exams ngayong semestre ay hindi na nito iyon pinansin pa. “Ayan tuloy nagmukha akong basang sisiw dahil sa pagsugod ko nang humina-hina ang ulan. Hindi na rin kakayanin na pumunta pa sa rest room para makapag-ayos ng konti. Hayaan mo na Lanie, wala naman pakialam mga tao sa itsura mo maski maraming marka ng ulan ang uniform mo at naka-plaster ang buhok mo sa noo." Sabi niya sa sarili.” Nasa harap na nang classroom nang tumunog ang kanyang cellphone mula s

