Kinabukasan, nang makalabas sa library si Lanie ay nakita niyang nasa labas niyon si Mateo na sadyang inaantay siya. “Are you busy, may tutor ka ba ngayon?” “Wala, kakatapos lang ng exams nina Meggie,” sagot ni Lanie. “Care to spend some time?” Isang tango ang itinugon ni Lanie. Naglalakad sila nang tila inaabot ni Mateo ang kamay niya at bahagyang inilayo ito ng dalaga. Natigilan si Mateo. “Sorry, madami kasing tao. Ayoko na may makakita sa atin baka yun mga classmates natin andito pa.” Hurt registered in Mateo’s face. “Nahihiya ka ba na makitang kasama ako?” “Ha? Hindi. Hindi sa ganun. Pero kasi baka kung ano ang isipin nila kapag nakita na magka-holding hands tayo.” “I like holding your hand. I am so pissed of right now. I need your calming presence.” “May problema ka ba? Ta

