NAKASANDAL SI LANIE SA DIBDIB ni Mateo matapos ang masarap na sandaling pinagsaluhan nila. Nasa penthouse unit ni Mateo ang dalawa. Ni hindi na sila nakarating sa kuwarto nang dumating doon at bagkus ay nasa couch ng living room nito. He will never look at that couch the same way ever again. Halos lahat ng parte ng penthouse na ito ay may mga magagandang ala-ala na ng pagsasama nila ni Lanie sa maiksing panahon. Napansin nito na distracted ang dalaga nang dumating siya kanina. Hindi nila masyadong pinag-uusapan ang negosyo bilang unwritten rule na walang usapang trabaho sa pagitan nilang dalawa. Gusto man niyang iwasan pero hindi nakapagpigil na tangungin nito si Lanie. "Are you excited to go back to work? Okay ka lang ba? Distracted ka." "It's nothing. Napagod lang siguro ako kanina sa

