"Balikan mo na lang ako Nico, mamayang 7pm," malambing na sabi niya kay Nico matapos siya nitong pagbuksan ng pintuan at inalalayan siya pababa. Sa gilid ng kanyang mga mata nakikita niya ang masamang tingin sa kanya ni Karina. Tiyak na kanina pa naroon si Karina at naghihintay sa pagdating nila. Kanina pa marahil hindi mapakali si Karina o baka nga kagabi pa. "Yeah," tipid na tugon sa kanya ni Nico. "Salamat pala sa pagpapatuloy mo sa akin kagabi," pasalamat pa niya, sadya niyang nilakasan ang tinig para maiparinig kay Karina ang sinasabi niya. "No problem," tanging tugon ni Nico. "Nico, Atasha!" Tinig ni Karina na hindi na nakatiis at lumakad na palapit sa kinatatayuan nila. "Hi, Karina," pormal na bati ni Nico kay Karina saka na ito nagpaalam sa kanila. "Bye, Nico," paalam pa ni

