Marami pa silang napagusapan ni Mrs. Rodriquez, napakagaan ng pakiramdam niya, pamilyang-pamilya ang turing sa kanya ni Mrs. Rodriquez, walang nagbago sa pag trato nito sa kanya, parang walang limang taon na lumipas. "Nais ko mang hintayin si Nico, iyon nga lang may pupuntahan pa ko," sabi ni Mrs. Rodriquez, matapos ang mahabang oras na pag-uusap nila. Tumango naman siya. Inihatid na rin niya si Mrs. Rodriquez labas, puting mamahaling sasakyan ang naghihintay rito, may kasama din itong driver na nakauniporme pa. Isa sa ginagalang na pamilya sa bayan ng San Miguel ang mga Rodriquez. "Atasha, hindi nagsabi si Nico sa pagdating mo, bakit hindi kaya tayo magkaroon ng dinner sa bahay mamaya, para naman makita ka rin ng Papa ni Nico," malambing na litanya sa kanya nito. Paano naman ba siya m

