Masama ang loob niyang nagbihis, masamang-masama ang loob niya kay Nico, todo pamamahiya ang ginawa nito sa kanya, kung kailan umungol at bibigay na siya saka naman ito huminto. Masamang tingin ang pinupukol niya kay Nico na pinanonood ang pagbibihis niya. Alam niyang pinagtatawanan siya nito ng husto dahil napahiya siya, nahulog siya mismo sa sarili niyang laro. Hindi niya maikakailang nadala siya sa ginawan ni Nico sa katawan niya, makailang ulit pa nga siyang umungol. Hindi niya malaman kung paano nakontrol ni Nico ang sarili, paano siya nito nagawang tanggian, gayong puno naman ng pagnanasa ang mga mata nito. Nakainom pa nga ito, dahil amoy alak ito, pero ang lakas magkontrol nito sa sarili. "Pagkatapos mong magbihis ihahatid na kita," sabi nito sa malamig na tinig. Masamang tingin

