"Ano ba ang binabalak niyo ni Joey sa asawa ko ah, Karina?" Sigaw niya nang magtungo siya sa bahay ng Daddy ni Atasha. Matagal na siyang walang communication kay Joey, mula nang mag desisyon siyang hindi na ito supplayan ng baka, dahil sa masamang balak nito sa asawa niya. Nais lang niyang pangalagaan si Atasha, kaya halos lahat ng nagnanais na saktan ang asawa niya ay hinaharap niya para tigilan na ano mang masamang balak sa asawa. "Napasugod ka ba dito dahil sa nangyari kanina A parking lot ng grocery?" Taas kilay na tanong sa kanya ni Karina. "You know?" Asik niya. "Of course, ako ang kasama sa kotse ni Joey kanina nang makita naming walang kasama ang asawa mong gumagala," taas kilay na sabi pa nito. "Binalaan na kita noon, Karina at uulitin ko ngayon, huwag na huwag mong gagawan n

