"Bwisit na babaing iyon, ako pa ang inalok ng pera para hindi pakasalan si Nico! As if naman na mas mapera siya kesa kay Nico!" Inis na maktol niya pagpasok guest room. "Ang aga-agang mambwisit ng Shopia na iyon!" Dagdag pa niya. "Sobrang gwapo mo naman Nico para dalawang babae pa ang makakalaban ko sa iyo," sabi pa niya at sinulyapan ang sarili sa salamin. "Aaahh! Kainis!" Tili niya, hindi nakaayos na nakita ni Shopia, baka sabihin nito na pumangit siya after five years. "Kung bakit naman kasi basta na lang ito sumusulpot, kung alam lang niya darating si Shopia kanina, di sana nag ayos siya. Wala naman mali sa suot niya, branded naman ang suot niyang blouse at short, iyon nga lang yung buhok niya walang ayos, basa pa kasi. "Pag nakita kami ulit ni Shopia ipapakita ko kung gaano ako

