Atasha-38

2003 Words

"Pwede bang mag stay ka muna dito sa bahay, hangga't hindi pa ko natatapos sa trabaho ko," sabi sa kanya ni Nico habang pauwi na sila ng bahay nito. Hindi siya agad kumibo, hindi kasi maalis-alis sa isip niya ang larawan nila ni Nico na nasa ibabaw ng mesa nito. Hindi siya naniniwala kay Nico na hindi nito napapansin na naroon ang larawan na iyon. Hindi lang siya masyadong nag-usisa pa, baka kasi isipin nito interesado pa siya sa kung ano ang nakaraan nila. Ramdam kasi niyang sadyang naroon ang larawan na iyon, kung anong dahilan ni Nico, ayaw na niyang isipin pa, marami na masyadong gumugulo sa isip niya, para isipin pang naroon ang larawan na iyon dahil may damdamin pa rin sa kanya si Nico. Hindi siya dapat mag assume, baka masaktan lang siya. Tama na ang makipaglaro siya kay Nico, hang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD