"Ang bilis mo naman yatang tinapos, pare," biro sa kanya ni Joey nang makalabas siya ng opisina, nakangisi pa ito, nasa ngisi nito ang pambabastos. "Nakahanda na ang lahat, hinihintay na lang ang cheque," pang-iiba niya sa usapan. Wala siyang balak pag usapan nila si Atasha, wala siyang ano mang balak na ipakilala si Atasha kay Joey, kilala niya ang lalake padating sa babae. "Ikaw naman masyado kang seryoso diyan," biro pa rin ni Joey sa kanya. "Pero ang ganda pala ng panganay na anak ni Mr. Madrigal, mas maganda kesa kay Karina," patuloy pa nito. Masamang tingin ang pinukol niya kay Joey na nakangisi pa rin na parang demonyo. Magkakilala sina Karina at Joey, ang kwento ni Joey isa si Karina sa mga babaing dumaan sa kamay nito, tanda pa niyang reklamo ni Joey kay Karina ay ang luho ni

