Kinabukasan pag gising niya agad na siyang bumaba para mag jogging, sa asyenda ni Nico. Nais niyang makapag isip-isip pa sa kung ano ba talaga ang pinasok niya. Kung hindi nga ba siya magsisisi, at kung hindi nga ba siya masasaktan? Iniwan siya ni Nico kagabi mag isa sa bahay nito, para magtungo sa bahay ng kaibigan nito, naroon si Shopia kaya hindi niya mapigilang mag isip ng kung anu-ano. Hindi rin naman siya makatulog na wala pa si Nico sa bahay, kaya naisipan na lang niyang uminom at hintayin ito sa ibaba, doon sila nakapag-usap nito kahit papano naiintindihan naman niya ang nais ipahiwatig ni Nico. Ikakasal sila at talagang matatali na siya sa piling nito, willing naman niyang gampanan ang papel bilang asawa ni Nico, ang hindi lang niya gusto ay ang i give up ang career niya sa New Y

