Atasha-35

2114 Words

"Hindi ka pwedeng sumama, Atasha, gabi na, magpahinga ka na lang dito, wala ka rin naman gagawin doon," mariing sabi niya kay Atasha nang sabihin nitong sasama ito sa kanya. "Gabi na nga, di huwag ka na lang umalis," matapang na tugon nito sa kanya. "May usapan nga kame na magkikita-kita kami ngayon sa bahay ni Oliver." "Kasama din si Shopia?" Tanong nito. "Oo kasama si Shopia, parte siya ng barkada namin," tugon naman niya. Kilala pa pala ni Atasha si Shopia, kung sa bagay ilang beses ba nilang pinagtalunan si Shopia noon, dahil isa si Shopia sa pinagseselosan ni Atasha noon. "Makikipagkita ka lang sa babaing iyon!" Galit na akusa nito. "Si Oliver ang sadya ko roon," tugon naman niya. Iba ang nakikita niya sa magandang mukha ni Atasha, mukhang nagseselos yata ito kay Shopia tulad n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD