Nauna nang umalis ang mga magulang ni Nico matapos ang pamamanhikan, nagkasundo naman na ang lahat na simula ngayong gabi sa bahay na siya ni Nico titira. Walang naging tutol sa bagay na iyon maliban sa madrasta niya na tila ba napakalinis nitong babae, hindi daw maganda na magsama na sila ni Nico sa iisang bubong hangga't hindi pa sila ikakasal. Alam naman niyang nais lang nitong tumutol para kay Karina, mukhang magpahanggang ngayo umaasa pa ang madrasta na may pag-asa pa si Karina kay Nico. Buti na lang nariyan ang Mama ni Nico na binabara ang madrasta niya sa bawat sabihin nito. "Uuwi na rin ho kame Dad," paalam niya sa ama. Wala pa si Karina, mabuti na rin sigurong umalis na sila bago pa dumating si Karina, baka ano na namang gawing eksena ng half-sister niya. "Sige, para makapagpahi

