Halos madilim na nang makabalik ng bahay si Nico, nasa silid naman siya, nagpapahinga nang datnan nito. May bibit na mga paper bags si Nico nang pumasok ito. "Bakit ngayon ka lang Nico?" Hindi niya napigilang itanong, kanina pa kasi siya naghihintay rito, hindi ito tumatawag man lang sa kanya. Nais sana niyang umuwi sa bahay nila, pero wala siyang sasakyan. "May ginawa lang ako," tugon nito at iniaabot sa kanya ang dalawang paper bag na malaki at isa pang maliit na paper bag ng kilalang brand. "Ano iyan?" Mataray pa niyang tanong, nainip kasi siya kahihintay rito, sabi kasi nito kanina bago ito umalis mag-uusap sila nito, hindi na naalis sa isip niya ang sinabi nito. "Damit, sapatos, and lingerie na isusuot mo mamaya sa dinner sa bahay niyo," tugon nito. Napakunot noo pa siya nang pa

