"Talaga? Pumayag na si Atasha na makasal kayo?" Gulat na tanong ni Mr. Madrigal nang puntahan ito sa taniman para sabihin rito ang napagusapan nila ni Atasha. "Opo, Mr. Madrigal, payag na ho si Atasha na makasal sa akin, kapalit ang kalahati ng asyenda," tugon niya na hindi maitago ang sakit sa tinig. Nasasaktan siya kahit papano, dahil alam niyang pakakasalan lang naman siya ni Atasha, dahil sa asyenda, hindi na ito ang dating Atasha na minahal niya noon, ibang-iba na ito ngayon. "Sa katuyan ho nagsabi na ho ako sa mga magulang ko na mamanhikan na ho kami ngayong gabi," patuloy niya. Napakaaliwas ng mukha ni Mr. Madrigal, ngumiti din ito sa kanya. "Salamat, Nico, maraming salamat at mananatili na rito ang anak ko, hindi na siya aalis pa at lalayo sa akin," pasalamat ni Mr. Madrigal, tu

