Kinabukasan gumising siyang mag isa sa kama. Iniwan siya ni Nico sa silid nito matapos hindi na naman matuloy ang ginagawa nila, mali ang interpretasyon ni Nico sa nangyari kagabi, inakala nitong sigurista siya, at nagiinarte habang nasa kalagitnaan sila ng napaka intimate scene. Ang totoo non nagdalawang isip siya bigla, natakot siya, dahil wala pa siyang karanasan sa pagtatalik, baka masaktan siya ni Nico nang hindi nito sinasadya. "Nakakainis!" Maktol niya, sabay hila sa kumot para takpan ang katawan. Hindi nga niya alam kung paano siya nakatulog kagabi, basta ang natatadaan niya hinintay niyang bumalik si Nico sa silid nila, mukha namang hindi ito bumalik, dahil mag isa lang siya sa kama. Naiinis siya sa sarili, dahil nadoon na sila ni Nico kung bakit bigla pa siyang nakaramdam ng ta

