Pagdating sa bahay ni Nico sabay na silang bumaba nito, ngayong gabi na niya sasabihin sa binata ang plano niyang pagpayag na magpakasal rito. Iyon ang pag-uusapan nilang dalawa ngayon, kaya siya matutulog sa bahay nito. Mamaya na siya tatawag sa ama para sabihing hindi siya uuwi ng bahay na makikitulog siyang muli sa bahay ni Nico. Alam niyang matutuwa pa ang ama pag nalaman nitong sa bahay ni Nico siya natulog. Malaki ang tiwala ng Daddy niya kay Nico, isama pang botong-boto ito kay Nico para sa kanya. Nakakatuwa lang dahil pati ang mga magulang ni Nico ay boto din sa kanya. Gustong-gusto na rin ng mga magulang ni Nico na maikasal na sila. Gabi na kaya paniguradong wala na ang mga kasambahay ni Nico sa bahay, at silang dalawa lang sa bahay. "Tungkol ba saan ang pag-uusapan natin, Atash

