Pumasok siya loob ng silid ni Nico, namangha pa siya ng makita kung gaano kaganda at kalaki ng silid nito, masasabi niyang doble ang laki ng silid ni Nico sa silid niya. Kumpleto din sa mga modernong kagamitan. Para siyang pumasok sa isang five star hotel. "Wow, ah," bulong pa niya. Napakalinis at organisado ang lahat. Kung sa bagay noon pa man sobra ng organisado ni Nico sa mga gamit nito. Tumuloy siya sa closet ni Nico, napangiti siya ng makitang organisado din ang mga damit nito. Naghanap siya ng damit na maipapalit sa suot niya, nais niyang magsuot ng damit ni Nico, at matulog sa kama nito. Hindi na v*rgin ang tingin ni Nico sa kanya. Paniguradong magugulat ito pag nalaman nitong ito ang unang lalake sa buhay niya, kakainin nito ang mga hindi magandang salitang binitiwan nito sa kan

