Hindi siya kumibo sa sinabi ni Nico, nanatili siyang nakamata rito. Hindi ba't ang mga salitang iyon ang nais niyang marinig mula kay Nico? Ngayong narinig na niya, bakit hindi siya makakibo? Nakatulugan na nga niya kagabi ang pag iyak, dahil hindi binanggit ni Nico ang mga salitang iyon kagabi, dahil inaakala niyang baka hindi na nga siya mahal pa ni Nico. Nawalan na siya ng pag asa na marinig pa kay Nico ang mga salitang iyon. Pag gising niya kanina agad na siyang nagbabad sa bathtub para ma relax ang katawan, masakit kasi ang buong katawan niya, lalo na sa ibabang parte. Napatunayan niyang totoo nga palang masakit ang unang pagtatalik. Matagal din niyang pinagmasdan ang hubad na katawan sa salamin kanina. Wala namang nagbago sa katawan niya, ganoon pa rin naman, maliban lang sa hindi

