Kanina pa siya nakatayo sa paanan ng kama at nakatingin kay Atasha na nakabalot ng puting kumot ang hubad na katawan nito hanggang sa may baba nito. Nakapagbihis na siya ng pang-ibaba, pero ramdam na ramdam pa rin niya na gising pa ang alaga niya, at nais pang makipaglaban. Iyon nga lang hindi muna pwede, hangga't hindi pa sila nagkakaayos ni Atasha. Sa kanilang dalawa ni Atasha, ito ang mas dapat na magalit sa kanya. Wala siyang karapatang magalit kay Atasha. Naangkin na niya si Atasha sa kauna-unahang pagkakataon, ay isa ang napatunayan niya. Virgin ito. "Wala ka bang sasabihin Atasha?" Tanong niya rito. Nakayuko ito, para iwasan nitong tumingin sa kanya. Mariin siyang napapikit ng mga mata nang mapansin ang pulang marka sa puting kumot, pati na rin sa bedsheet. Iyon ang palatandaaan

