Binantayan siya ni Nico habang kumakain, napaaga lang ang uwi ng asawa dahil sa kanya, kaya hindi pa siya nito nasabayan sa pagkain, mamaya pa ang dinner nila 7PM. "Hindi mo naman ako kailangan bantayan pa," sabi pa niya habang kumakain, naiilang nga siya dahil sa bawat subo niya nakasunod ng tingin ang asawa sa kanya, habang nagkakape naman ito. "Alam mong dapat kang bantayan kahit sa pagkain, dahil pag naiinis ka para kang batang mang-iinis," tugon nito sa kanya. Sumimangot naman siya, saka tinuloy ang pagkain. Wala naman talaga siyang balak mag hunger strike, ayaw lang niyang kumain hangga't wala si Nico sa bahay. "Ano iyong ginagawa mo kanina?" Tanong nito. "Ah? Alin?" She asked. "Nagkalat sa kama kanina ang mga ilang magazine at folder," tugon nito sabay higop sa kape. Na bo-

