Mabilis na lumipas ang mga araw, mag iisang linggo na siyang nakatira sa bahay ni Nico, at sa guest room pa rin siya tumutuloy. Nasasanay na rin siya sa daily routine nila ni Nico, madalas hindi sila nagsasabay kumain ng almusal dahil maaga itong nagtutungo sa bakaan, uuwi ito ng lunch para kumain, pagkatapos aalis ulit dinner na ang balik nito. Ganoon pa man may oras pa rin naman sila nito para sa isat-isa. Isama pang kahit buy 1 take 1 lang na bouquet ay dinadalhan naman siya ni Nico tuwing bibilhan ang Mama nito. Nalalapit na rin ang kasal nila, isang engrandeng kasal ang pinaplano ng mga magulang ni Nico at ng Daddy niya, kasal na tatalo daw sa mga bonggang kasal na ginanap sa bayan nila. Kahit simpleng kasal lang naman ok na sa kanya, ang mahalaga mabawi na niya ang asyenda nila. Iyo

