"Hi, Atasha," walang kangiti-ngiting bati sa kanya ni Shopia. "Hi," pormal niyang bati rito. Naramdaman niya ang kamay ni Nico na humahagod sa likuran niya, marahil para ikalma siya. Wala siyang balak gumawa ng eksena sa party, ang nais lang niya ay matalbugan si Shopia, maging mas maganda dito. Pinakilala pa ni Shopia ang lalaking kasama nito sa kanila, mukha ka date lang nito ngayong gabi. Pansin niya ang pag iba ng mukha ni Ronnel, kung bakit naman kasi hindi marunong tumingin si Shopia sa paligid nito, nasa tabi na nito si Ronnel kung sinu-sino pa ang kinakasama. Sama-sama silang anim sa iisang mesa, pati na ang ka date ni Shopia, ilang beses niyang nahuhuling nakatingin sa kanya si Shopia, inuunti-unti nito ang detalye sa suot niya. Paano mas mukha siyang expensive and elegant kesa

