DOROTHY SAGE'S POV "Hindi nga? Talagang natulog sa apartment mo yung dalawa?" Hindi makapaniwalang sambit sa akin ni Divine habang kakalabas lang namin sa huli naming klase ngayong araw. Wala naman talaga kong balak na sabihin sa kahit na sino ang tungkol don eh pero bigla na lang lumapit sa akin si Real at sinabing dadaan daw siya sa apartment ko mamaya dahil naiwan niya yung relo niya don. Alam kong para-paraan lang niya 'yon! Ano ako? Pinanganak lang kahapon? Ulol, hindi niya ako mabibilog sa palusot niya. Alam kong sinadya ni Real ang iwan ang relo niya don para may rason itong bumalik sa apartment ko. Pero ayun na nga, sa kasamaang palad, aksidenteng narinig 'yon ni Divine kaya heto at wala na akong kawala. "Yes, at ayoko ng pag-usapan pa ang tungkol don, Divine." "Why? It seems

