REALIOUS CASH'S POV "Kailan pa 'to?" Tanong ko kay Vinny habang nakatingin sa dalawang lalakeng puno ng pasa ang mukha at may sugat sa katawan. I suddenly received a call from Vinny saying that it was urgent, so I immediately drive here during my lunch break. "Kahapon lang," aniya atsaka naming tinignan ang dalawang kasamahan namin sa frat na nilalagyan ng bagong benda ang kani-kanilang braso sa tulong ng iba pa naming kasama. "Kilala niyo ba kung sino-sino ang gumulpi sa inyo?" Tanong ni Vinny sa dalawa. "Hindi, pero alam naming kasamahan sila ni Hanes. Sino pa ba ang ibang gagawa nito kung hindi ang grupo nila?" Kunot-noong wika nong isa bago napangiwi atsaka binatukan ang lalakeng nagpapalit ng benda niya. "Ang sakit, dahan-dahan lang kasi, tang*na 'to," inis niyang sambit. Tul

