DOROTHY SAGE'S POV Napasinghap ako nang lagyan ni Ulysses ng gamot ang aking sugat habang nasa loob kami ngayon ng tambayan namin sa frat. Matapos kaming makita ni Vinny sa akto kanina, kaagad niyang tinawagan si Ulysses atsaka kami kinuha doon. Naikwento ko kay Vinny ang nangyari kanina habang naghihintay kami kay Ulysses at ngayon, siya na ang nagkwento kay Ulysses. "That man won't give up not until one of his feet is no longer working." Seryoso at buong diing wika ni Ulysses habang nakahawak sa kamay ko. "Ulysses..." Pagtawag ko sa pangalan niya sabay hawak sa kanyang kamay. When he looked at me, that's the time he heaved a heavy sighed before putting a bandage around my hand. "Real." Kahit na hindi ako ang tinawag ni Ulysses, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya ng deretso. "M

