DOROTHY SAGE'S POV Napakurap ako nang marinig ko ang sinabi ni Real habang naglalakad kami ngayon sa isang mall. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya dahil nakaplano na ang lahat ng gagawin namin ngayong araw. I didn't expect he's a planner. Kumain kami ng lunch sa isang restaurant dito sa loob kung saan ilang araw na raw niyang pinareserve. After that, Real led me towards the cinema after a few minutes stroll around the mall. May ticket na rin siya sa isang pelikula kaya hindi na kami pumila pa. Nakapackage pa ito kaya may libreng popcorn at drinks na kami sa loob, hindi na hassle pumila sa mga tindahan dito para sa snacks. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa kanya habang nanonood kami ngayon ng pelikula. When I look at him beside me, nakita ko kung gaano ito katutok sa harap. A

