DOROTHY SAGE'S POV Napakurap ako sa aking kinatatayuan bago ito sapilitang itinulak papalayo dahil sobrang lapit na niya sa akin. "Pagod na ako Real, gusto ko nang magpahinga. And also, I don't have time in listening your daydreams with Tori, why won't you just go back to her and leave me at peace?" Deretsahan kong wika habang andon yung inis sa aking boses. Bakit ako naiinis? Nasa tamang lugar ba ako para mainis sa kanya? May iba na bang dahilan kaya ganito ako umasta sa kanyang harapan? O baka dala lang 'to ng alak na nasa aking sistema? "I knew it." He said under his breathe while looking at me. "Alam kong may epekto na ako sa'yo, Dorothy, ramdam ko 'yon." Napailing ako sa sinabi, pilit na tinatanggi ang katotohanan. Real complicates things from the very beginning, at ang p

