Chapter 2: Offer

1358 Words
Chapter 2 “Matagal na kita gusto makilala, ilang taon ka na niyang naikwento sa akin pero ayaw ka niya ipakita. Akala ko nagsisinungaling siya para hindi na siya kulitin kaya laking tuwa ko nang makita kita—” Hawak ang magkabilaan na kamay ni Kattleya ‘t nagniningning ang mata na usal ng ginang. “—hindi ako nagsisi na sinundan ko siya ngayon.” “So, it’s true.” Sinandal ng lalaki ang sa likod ng inuupuan. “Sinusundan mo talaga ako.” Nagdikit ang kilay ng ginang. “Loyalty, anak, hindi mo ‘ko masisi. And besides, hindi ako nagsisi dahil look at me now, nakita ko na siya.” Abot-tenga ang labi na usal ng ginang bago muling bumaling kay Kattleya ang atensyon ng matanda. “Anyway, kailangan ang kasal niyo?” “K-kasal?” Tumaas ang tingin niya sa lalaki, humihingi ng saklolo sa sasabihin. "K-kasal po?" Nauutal na usal niya, nilingon ang lalaki na tinawag nitong Loyalty pero umiwas lang ito ng tingin sa kaniya. "Oo, kasal." Pag-uulit ng ginang kasabay ng pagkunot ng noo. "Don't tell me wala pa kayong balak magpakasal? Jusmiyo, Loyalty, hindi na kayo bumabata." Baling nito sa anak. Hindi kumibo si Loyalty, tinapunan niya ng tingin ang ina saka may binulong. Lumiwanag ang mukha ng matanda, napuno ng kasiyahan ang mukha. Mukhang may hindi magandang mangyayari. Hinila niya lang naman ito bakit kailangan niya agad matali sa hindi kilalang lalaki. "Oh-kay, accepted." Usal ng ginan matapos ang sinabi ni Loyalty. "Anyway, maiwan ko na kayo." "Aalis na po kayo?" Tanong niya, tinatago ang pagningning ng mata. Sa wakas! Makakalaya na din sa sitwasyon. "Look, Loyalty, mukhang ayaw niya pa ako umalis," baling nang ginang sa lalaki bago hinawakan ang kamay niya. "Maghahanda ako ng dinner tomorrow, make sure to come, ok?" Muli nilingon ni Kattleya ang lalaki upang humingi ng saklolo pero umiwas lang ito ng tingin. Sunod-sunod siya napabuga ng marahas na hininga, malaki ang ngiti na tumango sa ginang. "Sige po." "That's great! Ipaluluto ko lahat ng paborito mo." Masayang usal nito bago marahan na tinapik ang anak. "Ihatid mo siya." "Yes, ma." Mahigpit na yakap ang muling iginawad ng ginang kay Kattleya, naiiyak na tumalikod papunta sa sasakyan. "Ano ang sinabi mo sa kaniya?" "Date." "What?! Bakit mo sinabi--" "Usapan ay usapan. Ang usapan natin ay gagawin mo ang lahat ng gulo na idinulot mo." Umayos ito ng upo, tinaas ang tasa ng kape at tahimik na sumisimimsim. "Hinalikan lang kita." "Yeah, hinalikan mo ako pero hindi 'yon basta 'Hinalikan lang'." Sandali ito huminto ng pagsasalita bago muling nagpatuloy. "Ilang araw niya na ako sinusundan, and yes, kasinungalingan lang ang tungkol sa babae na sinasabi ko pero dahil sa ginawa mo--anong iisipin ng ibang tao mas lalo na ng mommy ko." Hindi kaagad nakaimik si Kattleya. Kung sabagay iyon din ang iisipin ng magulang niya pagnakita nila na hinalikan niya ang lalaki. "P-paano 'yan?" Nawawalan na siya ng pag-asa. Masyado pa maaga para makasal at matali mas lalo na't hindi niya kilala ang kaharap. "Let's pretend." Hinuli nito ang mata niya, seryosong nakatingin sa kaniya. "Kailangan kita, kailangan mo 'ko. Parehas natin kailangan ang isa't isa." "Pero bat may kasal--" "It's just civil wedding. May kilala akong judge na makakatulong sa atin." "But still." Sunod-sunod na napabuga ng hangin si Kattleya. Mas sumasakit pa ang sitwasyon niya ngayon kesa kanina kung alam lang niya edi sana mas pinili nalang ang mapahiya. "And besides, nangako ka na sa kaniya na pupunta ka bukas. Knowing my mom, siguradong gagawin niya ang sinabi niya." Isa pa 'to. "T-teka, budol ba ito?" Baka binubudol at binabaliw lang siya. Ganito ang budol 'di ba? "Hon, i'm serious." Nanindig ang balahibo niya ng magsalita ito ng malalim at seryoso, kahit anong oras ay handa siyang sakmalin at kainin. "Hindi ko pa alam ang pangalan mo." Ani niya. "Loyalty Veloria" "Loyalty. Nice name." Puri ni Kattleya. Ngayon lang siya nakarinig ng ganon na pangalan, hindi rin lingid sa kaalaman niya na ginagamit ang gano'n sa salita upang ipangalan. "Kattleya Amaller." "Nice to meet you, Kattleya." Ngumiti ito. "I know, mabilis ang pangyayari pero parehas din tayo makikinabang sa sitwasyon na 'to. A year, after a year, maghihiwalay na tayo." "Hindi ko alam." Kibit-balikat na tugon niya. Sa paniniwala ni Kattleya, ang kasal ay isang sagradong bagay at ginagawa ng dalawang tao na nagmamahal—hindi isang laro, hindi isang pagpapanggap. “Hindi mo kailangan magmadali, bibigyan kita ng oras para makapag-isip.” “Malawak ang mundo, hindi na tayo muli magkikita.” “Knowing my momma, ngayong kilala ka na niya, hindi ka na makakawala sa kaniya.” “Sasabihin ko sa kaniya na walang tayo—” “Go ahead, sabihin mo, tignan natin kung maniniwala siya sa sasabihin mo.” May maliit na ngisi sa labi na usal nito. “I hate you.” Iyon na lang ang lumabas sa labi ni Kattleya. “Don’t hate me, hon.” Seryosong usal nito, inilapit ang mukha sa kaniya bago mahinang nagsalita. “Nasasaktan ako." Natulala si Kattleya, hindi maalis ang tingin niya sa mata ng binata. Ngayon niya napansin ang gwapo nitong itsura, matangos na ilong, mainipis na labi, at umiigting na panga, lahat ay kapuri-puri sa binata kasama na ang malaking pangangatawan. “Naiinlove ka na ba?” Pahabol na tanong. Inilayo ni Kattleya ang mukha, umiwas ang tingin at pinipigilan ang pamumula ng mukha. Hindi siya attracted sa mga gwapong nilalang pero may kung ano sa mata ng lalaki na humihila sa kaniya. Sabi na nga ba’t budol ito. “A-ano ba ang pinagsasabi mo d’yan.” Dinig niya ang mahinang pagtawa ng binata ng mapansin ang nahihiyang tono ng pananalita niya. “Saan kita susunduin bukas?” Kumunot ang noo niya. “Bukas?” “Yeah, nangako ka kay momma na sasabay sa dinner bukas.” Oo nga pala. “Gumawa ka nalang ng paluwusot.” “Hon,” may pagbabanta ang tono nito. “Nangako ka kanina.” “Wala talaga akong tiwala sa iyo.” Pag-amin niya, nahihiya na tinaas ang tingin sa lalaki. “Malay ko ba kung masama ka, kung binubudol mo lang ako. Sinasabi ko sa iyo, wala akong pera at cellphone lang ang makukuha mo sa akin.” Napatulala si Loyalty, marami ang babaeng nagkakandarapa sa atensyon niya pero ang babaeng kaharap ay budolero ang tingin sa kaniya. Napailing siya, sumilay ang ngiti sa labi. “I’m not.” Inilabas niya ang ID saka pinakita dito. “Kung hindi pa rin sapat ‘yan, hayaan mo akong magpakilala sa iyo. Just let me..” Hindi nakapagsalita si Kattleya, nakatingin sa ID na inilapag sa harapan niya. Sunod-sunod na napabuga ng hangin at sumandal sa likod ng upuan. “Fine pero hanggang bukas lang ito.” “I can’t promise.” Diretso na sagot ni Loyalty. “I told, kailangan ko ng isang taon. At nangsabi ka rin sa akin kanina na gagawin mo ang lahat para makabawi sa akin.” “Pero hindi sa ganitong—” “I can help you to move on. Baby, sa isang taon na hinihingi ko ay hindi lang para sa akin kundi para na rin sa iyo. Sisiguraduhin ko na hindi ka na niya guguluhin—that small d!ck jerk.” Paalala nito sa nangyari kanina. Hindi malabo na guluhin siya ng dating nobyo, mataas ang pride nito at sa pangpapahiya na ginawa niya ay gagantihn siya nito. Wala siyang ibang malalapitan dahil maski ang nag-iisang matalik na kaibigan ay siyang naging dahilan ng paghihiwalay nila. “Fine.” Pagpayag niya. “Pag-iisipan ko.” Umaangat ang maagkabilaang labi ni Loyalty, ang pagnining nang mata nito ay hindi makakaligtas sa paningin ni Kattleya. “Take your time, hon.” “Pwede ba tigilan mo ako sa kakataawag ng ‘hon’—” “Tinawag mo akong hon kanina—” “Tinawag kita nang ganyan dahil wala na akong pagpipilian.” “At sa tingin mo ngayon ay meron?” Nakangiting tanong ng binata saka mahinang natawa. “Wala ka rin ibang choice, hon.” sabay kindat nito. Jusme, ano ba itong pinasok ko?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD